Una: Ang kwaderno

63 22 14
                                    

UNA

Anong oras na din ako nakauwi kahapon. Nung di ako nakapasok sa bar kahapon, kung saan saan na lang ako uminom. Katulad ng mumurahing bar. Hays. Boring nga dun. Pero hinahanap kasi ng katawan ko ang alak kaya pinatulan ko na. At dahil anong oras na ko naka uwi at naka tulog, late na ko!

Sobrang late na ko kasi 7:00 am start ng klase pero 7:20 na nasa bahay pa ko at nag aayos pa lang. 30 mins. pa naman byahe ko papuntang school. Sa La Consalation University of The Phil.

Medyo malayo din kasi school ko sa bahay namin. Bat ko piniling mag aral dun? Eh dream school ko yun eh! Bat ba.

Sa mga oras na to inaayos ko na sarili ko. Wala nang ligo ligo. Di naman ako kasing dugyot ng iba. Kahit hindi maligo malinis at mabango pa din ako. Alagaan mo lang sarili mo. Tsaka aircon naman yung room namin kaya di ako pag papawisan.

By the way, Grade 11 pa lang ako.

Nang maayos ko na uniform ko at nasuklay ko na ang buhok ko, agad kong kinuha ang bag ko na nasa ibabaw ng gray na kam. Aktong tatakbo na ko palabas ng kwarto nang bigla ako napanhinto nang makita ang lumang kwadernong naka patong din sa kama na bigay sa akin kahapon ng matandang babae.

Napaisip ako kung dadalin ko yun. Kung dadalin ko parasaan? Para kanino? Bakit? Bat ba kasi pinatulad ko yung kaadikan at kabaliwan nung matanda.

Sa totoo lang, gusto kong ibalik yung notebook sa kanya kasi di ko naman magagamit yun. Luma na kaya yun.

Hays! Dalin ko na nga! Baka mamaya makasalubong ko yung matanda mamaya.. Ewan.

Agad kong hinablot yun at inilagay sa loob ng bag ko.

Tumakbo na ko pababa ng bahay. Sabay punta ng kusina. Nakita ko si lola na nag luluto. Ang kasunod na nahagip ng mata ko ay ang sandwish na nasa lamesa. Agad ko yun kinuha at kinagat habang tumatakbo papalabas.

"APO, HINDI KA BA KAKAIN?" Rinig kong sigaw ni lola.

"HNDI NA PO! MAG KU-COMMUNTE NA LANG PO AKO LA. PAKI SABI NA LANG KAY MANONG FRED." Sigaw ko habang kagat ang sandwish kanina sa lamesa.

Si manong fred ay driver ng kotse namin. Pag trip ko, ayaw kong mag pa hatid sa kanya, nag ku- commute na lang ako. Tsaka may isang dahilan kung bakit ayaw kong mag pa hatid sa kanya. Medyo manyak kasi siya. Tanda tanda na ganun pa utak niya. tsaka may pamilya na siya eh. naku. Lalaki nga naman, yung libog kung saan saan inalalagay.

Pag labas ko, Pumara agad ako ng traysikel papuntang bayan. Pag baba ko sa bayan, agad akong sumakay sa jeep na naka pila.

'susko, 10 mins. Pa to aalis eh! Pupunuin pa to!' sambit ko sa isip ko.

Dapat kasi sa balasa na lang ako sumakay.

Balasa, yun yung mga jeep na di pumipila. Mas bet ko yun. Basta alam nyo na yun bwisit kayo.

Tsaka di na bago sa akin to. Lagi na lang. Ewan ko ba, pero nasa-swapangan ako sa mga driver ng jeep kasi kahit di na kasya pinilipit pa! Pero iniisip ko na lang para naman sa pakining pamilya nila.

Agad kong ligay yung earphone ko sa tenga ko at nag pa tugtog.

Naramdaman kong kumikilos na yung jeep. Nag uumpisa na tong umandar.

Ang uga uga ng jeep, tae.

Naka lipas na yung trenta minuto at naka rating na ko sa lcup. Pag baba ko napa isip ako..

Simula nung pag sakay ko, habang nasa byahe, at pag baba ko. Pumasok sa kokote ko..

"Nakapag bayad ba ko?"

It's My DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon