Pangsiyam
Ciara's Point of View
Kanina pa ko naka upo dito sa likod ng classroom habang nakikinig ng music sa earphone ko at alam nyo ang malaking nakakapagtaka?
Walang Cia ng Cia. Walang nangungulit at nangangalabit sa akin. Wala pa si Kenjie. Halos mag uumpisa na ang klase pero wala pa din siya.
Tiningnan ko ang tabi ko kung saan siya naka upo.
Sobrang tahimik pala kapag wala yung kupal na yun pero oks na yun. Mas magiging okay ang araw ko at mas makakapakinig ako sa lesson ngayon araw..
Nakita kong pumasok na ang subject teacher namin. Agad kong inalis ang earphone at inayos ang pag kakaupo ko.
Sa buong klase, naging maayos ang pakikinig ko sa lesson. Walang kumalapabit, walang tawag ng tawag. Ang saya. Walang nangungulit sayo hangang matapos ang first subject. Pati na rin sa second subject, ang payapa. Sarap sa feeling. Sana habang buhay na lang ganito!
"Okay class, meron tayong quiz. I hope na kinig kayo, okay? Mag labas na kayo ng 1/4" sambit ng teacher namin.
Agad kong kinilos ang aking katawan at kumuha ng 1/4 sa bag. Tinungo ko naman ang kamay ko sa maliit ng zipper para kumuha ng ballpen na gagamitin ko. Pero wala akong nakapa.
'shet, naiwan ko ata ballpen ko' sambit ko sa isip ko.
Ah alam ko na. Si Kenjie, madaming nakaw na ballpen. Manghihiram ako.
"Kenjie, meron kabang.." agad akong napahinto sa pag sasalita nang maalala kong wala akong kausap.
Wala nga pala si Kenjie.
Napasampal na lang ako sa muka ko para gisingin ang diwa ko.
'Cia, wag masanay okay? Wala si Kenjie, dapat ngang matuwa ka kasi walang buguk na itog ang nangungulit kayo! Okay?' sabay yuko ko na lang sa arm chair ko.
Hays. Nakakapanibago ang araw na to. Pakiramdam ko may kulang. Pakiramdam ko may bagay na di ko pa nagagawa o nararansan ngayong araw. Putaena.
Dahan dahan kong tinagilid ang ulo ko sa lugar kung saan naka upo si Kenjie.
King ina mo. Sinanay mo kong may maingay sa paligid. Bwisit ka Kenjie.
"Ehem!"
Agad akong napabangon ang ulo ko sa pag kakauko nang may malakas na 'EHEM!' sa gilid ko. Nang tiningnan ko to, yung teacher namin. Naka pamewang siya habang naka taas ang kilay.
"Diba may quiz tayo? So anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong niya sa akin.
"Hmm.. wala po kasi akong ballpen"
"Walang ballpen?" Tanong niya. "Hala! Nakakalungkot naman! Mamamatay na ata ko.." Sambit niya habang umaarte na manglungkot habang naka ngusu. Dahil sa ginawa niya, nag tawanan ang buong klase. "So ano pake ko?" Sabay taray niya. Buang amp. "Nag aaral ka nang walang ballpen? Ano ka? Studyante ka lang din dito, oy! Hindi ibig sabihin na wala kang ballpen e di kana gagawa, abe sino kaba sa palagay mo?!"
"Studyante po.."
"Tama! Istudyante ka la.."
"Studyante na nag papasweldo sayo.." sagot ko sa kanya.
Nakita kong tila nagulat ang mga kaklase ko at pati na rin ang teacher na kausap ko.
"Aba't bastus to ha!"
"Kayo po ang nauna.." sagot ko. Pero malumanay lang yun. Yung may kasama pang respeto. " Nag tanong po kayo nang maayos, so sumagot po ako ng maayos kaso yung sagot ko binastos nyo. Alam nyo sir, mag hahanap naman ako ng ballpen kanina eh, kaso dumating ka po tas nag tatatalak sa harap ko. Ayan, paubos na tuloy yung oras nyo. Paano yung quiz? Bahala na kami? Sir naman, kami na nga nag babayad dito. Kami na nga nag papasweldo sayo, kami pa nahihirapan. Kaya please sir, lest start the quiz na po. Maghahanap na po ako ng ballpen." Sabay ngiti ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
It's My Diary
FantasíaI hope this is just a dream. Panaginip na sana ako ay magising. I hope this is not real. Sana meron diyang mag sasabing 'nanaginip ka lang at kailangan mo nang gumising.' Sana.. Baka.. Siguro.. Sana nga di na lang kita hiniling. Baka nga okay ang la...