***Chapter10:Bestfriend Instinct***
;Indeehra Marquez's Point of View;
Nakarating na rin ako ng academy, sa wakas, maaga ako'ng pumapasok araw-araw naging routine ko na 'to kasi parang 'di ako komportable kapag sakto lang ang oras pumasok, gusto ko laging nauuna.
Habang naglalakad sa hallway, nakita ko si Eco. wow ha! aga pumasok ng babaita ngayon, balak ko sana siyang gulatin nang may biglang nakabunggo sakanya kaya nagtago muna ko sa likod ng isang room kung sa'n tanaw ko pa'rin sila,'di ko marinig usapan nila pero nakita ko'ng magkasama na silang naglalakad at napag desisyunan ko nang magpakita kay Eco at nalingon naman siya sa band ko at 'di ako nakita nung kasama niya, sumenyas ako nang 'sino-yang-kasama-mo' look at nakuha naman niya ang ibig ko'ng sabihin at sumenyas naman siya ng 'mamaya-magpapaliwanag-ako' look at 'di siya nagpahalatang sumesenyas, tumango naman ako bilang response sakanya.
tapos na ang flag ceremony at pumasok na lahat ng estudyante sa kanya kanyang mga room, agad naman akong lumapit kay Eco at tinanong siya.
"Oi girl! Sino 'yon ha?" bungad ko kay Eco, 'di kasi uso sa'min 'yung nagtatago sa isa't isa
"Wala si C.E daw." normal na sagot niya na parang wala lang saknya kung sino 'yung kausap niya kanina
"Woh!?Really?!Totoo nga!? siya si C.E?!" Sabi ko nang kunware amaze at surprise, pero sa loob loob ko, parang may mali kasi ganun nalang? agad agad? C.E nalang at para bang sinadyang lapitan lang si Eco nang ganon? parang may mali talaga pero baka guni guni ko lang 'to.
"Oo nga angkulet!" nakukulitang sagot niya with matching taas isang kilay
"Oh?" napansin naman niya ang reaction ko'ng may pagtataka at curiosity
"Bakit ganyan mukha mo?" tanong agad niya
"E kasi, parang hindi tama." sagot ko sakanya ng prangka, ayaw ko naman kasing kunsintihin siya kahit sa loob ko naman e parang may mali
"Hindi ah, ayos lang naman para sa'kin basta alam ko nakilala ko na yung kausap ko sa telepono without his knowledge na kilala ko pala siya then hindi niya 'ko kilala, kumbaga parang ibang tao 'yung nasa phone then ibang tao ako, si Elyssa 'yung gusto niya at si Alyssa yung kausap niya sa phone na may alam na may gusto siya kay Elyssa na hindi niya din alam na si Elyssa na 'yung kausap niya dahil si Elyssa at Alyssa ay iisa." pagpapaliwanag niya, na medyo hindi ko naintindihan dahil na space out ako saglit nang dahil sa C.E na 'yan
"Ha?!Ano Eco? Sa lahat ng sinabi mo ang naintindihan ko lang eh si C.E HAHA!" pag- iiba ko ng atmosphere baka kasi sabihin niya, 'di ko siya sinusuportahan kaya tumawa nalang ako para kunware maging light naman 'yung atmosphere sa pag-uusap namin
"HAHA!Bahala na basta ang alam ko kilala ko na si C.E at kasabay natin siya sa recess and lunch time later, and....matutuwa ka sa sasabihin ko." nainis ako sa part na parang nilalapit nung C.E na 'yun 'yung sarili niya kay Eco? o napaparanoid na talaga 'ko at nagkunwaring natutuwa sa sasabihin niya
"Oi ha, ano?"
"ililibre niya tayo!!!WAHAHAHHAHAHHA!" tuwang tuwa bulalas niya sa'kin, oo natuwa ako 'dun, buhay libre din ako pero 'di 'yun 'yung iniisip ko, iniisip ko itong bumabagabag sa'kin about 'dun pero siguro, hahayaan ko nalang 'to?
"woy!Gusto ko 'yan ha! Basta ba kasama ako diyan" Sinasakyan ko nalang 'tong mag sinasabi niya dahil ayaw ko namang sabihin niyang 'di ako nakikisama
"Syuuuuur."
Nag bell at hudyat na 'yun na recess na.
nakita ko si C.E sa may pintuan at tinawag ko si Eco
"uy!Psst! Eco, 'yun oh parang hinahanap ka ata at naghihintay na tumingin ka sakanya .si C,E"
Inayos ni Eco 'yung mga gamit niya at kinalbit ako para sabihin na tara na
nang nasa pintuan na kami tinawag niya si C.E, abnormal na babae talaga 'to pa dalagang filipina pa siya ah.at nag hello naman si C.E sakanya at ipinakilala naman ako ni Eco sa C.E na 'yun
"Ay saglit lang eto pala si Indeeh bestfriend ko" ngumiti naman ako ng bahagya, 'yung ngiting pilit
"Hi Indeeh, C.E here" sabay lahad niya ng kamay niya para ishake hands
"ay C.E?Hello! Indeehra pala!" nag smirk ako at 'di pinansin 'yung kamay niya kaya napakamot nalang siya sa ulo niya at iniba ang atmosphere at topic
"ayy hehe!So? Tara?"
"Ah sige sige!" sabay palakpak pa na tuwang tuwa itong si Eco -_-
Habang nasa cafeteria, tumagal kaming mag order dahil sa'kin kasi pinipilit nila ako at actually ayaw ko pero dahil libre naman, nagpapilit ako xD nag uusap lang silang dalawa, si C.E tanong nang tanong kay Eco tapos si Eco naman, sasagot tapos magkkwentuhan silang dalawa, samantalang ako nag memake face lang sakanilang dalawa habang kumakain
Nakita ko naman na nag iba 'yung reaksyon ni Eco nang lumingon siya kaya tinignan ko rin 'yung tinitignan niya at nakita ko ang isang Nath Gabriel Cortez na may nanlilisik na mata'ng papalapit sa'min, si Eco ay sobrang nawala na sa sarili at napanganga nalang habang pinagmamasdan ang papalapit na si Nath at tinignan ko naman si C.E na kumakain at nakita ko siyang nag evil smirk na 'di mo aakalaing siya talaga 'yun, nang makalapit na si Nath sa table namin kasama si Jem, huminto siya sa tabi ni Eco na nga nga ngayon and occupied, bigla nalang itong nagsalita habang nakatinging diretso sa banda ni C.E pero 'di naman nakatingin kay C.E. magulo 'ne?
"Will you excuse me? and get out of here? " tameme pa'rin si Eco nang marinig niya ang mga salitang 'yun at mukhang 'di siya makagalaw sa kinauupuan niya dahil stunned siya kay Nath, habang ang ibang tao naman ay nagtitinginan na, tinignan ko naman si C.E na nakatayo lang habang nakatingin kay Eco... tumayo na 'ko sa kinauupuan ko at akmang tatawagin si Eco nang...
"I told you to get out of here!" biglang sigaw ni Nath nang nakatingin pa'rin sa kawalan, nakita ko namang nagulat si Eco at hinila ko na siya patayo para magising na sa katotohanan at inilayo sa table na 'yon, at nilingon ko pabalik si C.E nang nakita ko'ng nagkatitigan sila nang konti pero mariin na titig sa isa't isa, at bigla nalang itong pumunta sa banda namin at nagpaalam kay Eco.
"Uhmm.Eco lunch nalang ha?Buti nalang tapos na tayong kumain nung pinaalis tayo niyang taong 'yan, una na 'ko ha?" parang walang nangyaring sabi ni C.E kay Eco na parang 'di pa'rin makapaniwala sa nangyari at natuliling na ata sa sigaw ni Nath
"A-ah Sige sige"
"May mali." ang tanging nasabi ko nalang sa mga pangyayari, nakita ko ang mga ekspresyon ng mukha nila, nakita ko kung paano sila nagtinginan at kung pa'no nangyari ang lahat.Something's wrong. Ano'ng nangyayari?
BINABASA MO ANG
Hello?Sino 'to?
Roman pour Adolescentsa complete stranger on the phone...will you trust him?