***Chapter9:I'm with..Mr. and Mr. C.E?***

105 2 0
                                    

***Chapter9:I'm with..Mr. and Mr. C.E?*** (82514)

Nag ring na ang bell, tapos na rin ang flag ceremony, nang lumapit sa'kin si Indeeeh

"Oi girl! Sino 'yon ha?" Pang iintriga niya sa'kin kasi nakita niya kami ni C.E kanina sa corridor na naglalakad

"Wala si C.E daw." Walang ganang sagot ko habang may kinakalikot sa bag ko habang siya naman patuloy na nang iintriga with the parang may binabalak na ngiti at nang aasar

"Woh!?Really?!Totoo nga!? siya si C.E?!" Halos pasigaw na reaksyon niya, well pasigaw na talaga pero mahina lang na medyo napatingin 'yung iba naming mga classmates -_- Attention seeker!

"Oo nga angkulet!" Sabi ko habang may iritableng itsura saka ako umupong pirme sa upuan ko

"Oh?" Parang dismayadong reaksyon niya na parang nagtataka

"Bakit ganyan mukha mo?" Banggit ko naman nung napansin ko'ng nagbago yung itsura niya

"E kasi, parang hindi tama." Sabi niya with suspicion sa mukha

"Hindi ah, ayos lang naman para sa'kin basta alam ko nakilala ko na yung kausap ko sa telepono without his knowledge na kilala ko pala siya then hindi niya 'ko kilala, kumbaga parang ibang tao 'yung nasa phone then ibang tao ako, si Elyssa 'yung gusto niya at si Alyssa yung kausap niya sa phone na may alam na may gusto siya kay Elyssa na hindi niya din alam na si Elyssa na 'yung kausap niya dahil si Elyssa at Alyssa ay iisa." Gosh ang gulo -_-+ He-he :3

"Ha?!Ano Eco? Sa lahat ng sinabi mo ang naintindihan ko lang eh si C.E HAHA!" Sabi naman niya, naslow na nga (_ _")

"HAHA!Bahala na basta ang alam ko kilala ko na si C.E at kasabay natin siya sa recess and lunch time later, and....matutuwa ka sa sasabihin ko." Banggit ko na may halong excitement sa mukha, 'di ko naman tinake advantage si C.E sa unang pagkikita namin 'diba? Nakokonsiyensiya na ata ako?HAHAHAHA!

"Oi ha, ano?" Sabi niya na may mukhang Curious na curious na sa susunod na sasabihin ko

"ililibre niya tayo!!!WAHAHAHHAHAHHA!*Evil laugh* " >:D

"woy!Gusto ko 'yan ha! Basta ba kasama ako diyan" Sabi niya na halatang excited na sa libre, nabuhay na kami sa hingi HAHA!

"Syuuuuur." at dumating na nga ang unang subject teacher namin, so anong gagaiwn ko na ngayon? maghihintay ng recess? >____<

Nang nasa kalagitnaan ako nang pagdday dream sa gitna ng discussion ng teacher namin, bigla akong may naaninag na sa gilid ng mata ko na bigla ko rin namang nilingon, at tama nga ako *O* HAHAHHAHA!!!

Si Nath Gabriel po 'yung dumaan sa room namin.HOHO! Minsan lang 'yon sa isang buwan :D 'yung room kasi namin e may mga visible na bintana sa may bandang taas na makikita mo lang 'yung part na mukha pag dumaan ka.

Pero nung nakita ko siya, para siyang iritadong may malalim na iniisip, Holo!? 

Ano kayang nangyari? Para kasi siyang makakapatay ng tao e, bigla akong nagising nung nakita ko siya HAHA! 

Kung anong iniisip ko buong oras ng klase? si C.E. kasi pati ko naiintriga na bigla nalang siyang lilitaw isang umaga at magpapakilala siya bilang C.E sa harap ko, napaka coincindental lang kasi na unexpected 'yun HAHA! wala parang nasurprise lang ako siguro? Napakamisteryoso naman kasi niyang C.E na 'yan, kahit ibig sabihin nga ng C.E eh 'di ko pa alam pero ayaw ko rin namang malaman Hay kagulo! Nahihiwagaan ako sa katauhan niya, curious ako sakanya pero...ayaw ko namang malaman at tanungin kung sino siya. I am crazy (_ _")V

After 123456789000000 lightyears ng paghihintay at pagppretend na nakikinig sa teacher kahit ang word lang na pumasok sa utak ko simula nung nagtuturo sila is mitolohiya, yes, 'yun lang yung natandaan ko sa tatlong sibjects before recess at eto, recess na nga at nakita ko si C.E doon sa labas ng room namin dahil kinalbit ako ni Indeeh at itinuro niya 'yung may bandang pinto

Hello?Sino 'to?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon