Chapter One

33 1 0
                                    

Nakarating si Hugo sa isang restaurant sa Antipolo sa may bandang over looking.

"And there you are! Ladies and Gents, I am very proud to introduce to you, the future of Bartolino Dairy and my next successor, my very own son, GAULDENCIO HUGO BARTOLINO THE FIFTH." Bungad ng Ama ng ipakilala sa mga investors.

Sa isip-isip ni Hugo, ay naaasiwa sya sa pangalan na binigay sa kanya. Bukod daw kasi sa walang uniqueness, ay hindi pinagisipan at bukod dun, ang baho pakinggan para sa kanya. Kaso wala na syang magagawa dun kaya nganga na lang, deep inside.

Kinamayan nya ang mga investors at niyaya nya nang magsiupo.

"Thank you for choosing our company. Let's start this discussion.".

Makalipas ang ilang oras ng pakikipag-negosasyon, ay agad na nagkasundo ang lahat.

"Thank you for Trusting us. See you at our company." agad na nagpasalamat ang mag-ama sa mga investors.

Hindi rin sila nagtagal sa loob ng resto dahil may kanya kanya pang appointment ang lahat, pwera lang kay Hugo na laki sa layaw.

Bago sumakay sa sasakyan ang Daddy ni Hugo ay may ibinigay ito sa kanya. Naglabas ito ng gold plated na ballpen na may naka engrave na pangalan ni Hugo at Isang blankong cheke. Nagsimula itong magsulat.

"Hey Dad, That's my pen."

"I know, na-iwan mo nanaman sa office. You should treasure all the things that you have. You are very blessed, Hijo." malambing na sermon sa kanya.

"O eto, half of your commission. Spend it anywhere, next month ko na ibibigay yung kalahati and here's your golden pen."

Nasindak si Hugo sa halaga ng nakalagay sa cheke.

"Woah.. Dad, im not asking this much, this is too big for me."

"FIFTY THOUSAND PESOS ONLY"

Ngayon lang sa buong buhay nya ang mabigyan ng cheke na may ganun kalaking halaga mula sa kanyang Ama.

"Today's Your Lucky Day, Son. Spend it wisely." tinapik si Hugo sa bandang balikat.

"And by the way, may ipapakiusap sana ako, bilhan mo ako ng Limang Suman sa Lihiya, limang kilong kasoy tsaka kalamay sa Simbahan, Iwan mo na lang sa bahay. You know your Mom, O.A. pa sa naglilihi kung mag-cravings." bilin ng Ama sa kanya.

"Yes, Dad." agad na tugon ni Hugo.

"Paano Hijo, I better go. May iba pa tayong clients."

"Ingat ka sa byahe, Dad."

"I will."

Agad na pumasok sa sasakyan ang Ama ni HUGO at Dali dali ito umalis.

HEARTS IN ANTIPOLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon