Chapter Eight

39 0 0
                                    

Habang naliligo, pinihit ni HUGO ang gripo. Pagbukas ay walang tumutulong tubig at dahil may sabon ang kanyang mukha, ay napilitan itong tawagin si Manang Kareng.

"Manang Kareng!? Nawalan po yata kayo ng tubig!"

Narinig ni ANNE ang boses ni HUGO kaya pumunta ito at kinatok sya sa pinto ng banyo.

Knock! Knock!

"Problema mo nanaman?!"

"Walang tubig ANNE"

"May balon kami sa likod. Mag-igib ka."

"May sabon mata ko, eh."

Napabulong si ANNE.

"Ba yan....!!!!

Sabay kamot sa ulo.

"Sige, mag-iigib ako ng isang timba huh. Tipirin mo!"

"Oo na, Mahapdi na. Please, igib ka na."

Agad na nag-igib si ANNE ng isang timbang tubig sa balon para dalhin kay HUGO.

Knock! Knock!

"Kamahalan, nandito na po yung tubig nyo sa harap ng pinto. Paki kuha na lang ho..." sabay alis nito.

Agad na binuksan ni HUGO ang pinto ng banyo. At dahil mahapdi ang mga mata nito ay kailangan nya pang kapain ang handle nung timba.

Sa di kalayuan, tumatawa lang ng tahimik si ANNE habang nagtatago dahil kitang kita nya ang maputing pwet ni HUGO na may maitim na birth mark, kamukha ng batik sa baka na may kulay na itim at puti.

Tinatawag na ni Manang Kareng si ANNE para bihisan ang kapatid nitong si Iko.

Habang pinupulbuhan ni ANNE ang kapatid na si Iko,  ito ay nag-tanong sa kanya.

"Ate......? Nidyan pa po, yung, mu...mu....?"

"Bunso... Joke lang yun kanina... Bisita natin sya... Naki-ligo kasi.... natapunan ng Palamig..."

"Nitatanga naman nun, Ate..."

"kasi po... Walang taong perpekto, bunso..."

"Ako? nigugusto ko po... neging Pekpek... nung walang nigagawang mane."

Natawa si ANNE sa sinabi ni Iko pero itinama nya ang sinabi ng kapatid.

"Bunso...

Per.... fect....

hindi,

Pekpek."

Sinubukan ni Iko na bigkasin ng tama.

"Perk... prek...!"

"Ikaw talaga... Mag-aral ka na next year huh... para... yang English mo... Hindi baluktot. Okey ba yun?"

"Opo, Ate! Ni-aaral po ako, mabuti. Plamis!" ^_^

"O sya,  suot na ng brief at sando. Tapos, diretcho na sa kusina. Mamaya kakain na tayo. Nagluluto lang si Nanay."

Pagka-suot ni  Iko ng Puting Hanford na sando at brief, ay agad nitong kinuha ang Doraemon nyang Stuff Toy malapit sa pinto.

Biglang kumulog, nagbabadya ang malakas na ulan at dahil dun, kumaripas ng takbo si Iko papunta sa kusina dahil sa takot.

HEARTS IN ANTIPOLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon