Chapter Two

30 0 0
                                    

Habang papalayo ang sasakyan ng kanyang Ama, hindi maipaliwanag ni Hugo ang sayang nadarama tila ba lumilipad ito sa tuwa.

Lumipas ang ilang minuto at sumakay na din ito sa kanyang convertible para pumunta sa Pasalubong Center ng Antipolo. Bago yun ay dumaan muna sya sa banko para i-convert to cash ang kanyang cheke.

Pagkasakay muli ni Hugo sa kanyang convertible, ay agad na itinabi nito ang kanyang ballpen sa gilid ng kanyang kinauupuan at nag drive itong muli.

Pagdating nya sa likod ng Simbahan ng Antipolo, ay ipinarada nya agad ang kanyang sasakyan.

Bumungad sa kanya ang mga nag gagandahang paninda ng mga pasalubong at mga santo kaya pag alis nito sa convertible ay hindi na nya napansin na nahulog na pala ang kanyang ballpen.

"Ah manang, pabili nga po nito..." sabay turo sa mga paninda.

Habang nasa di kalayuan ang kanyang nahulog na ballpen ay may isang dalaga na nakapansin sa kintab nito at agad na pinulot.

"Bang ganda namang Bolpen nito aba! Ang tanga naman ng nakalaglag nito! Ay, magandang panulat to sa listahan ng utang! Akin na to!"

Binulsa agad ito ng babae at pumunta sa tindahan na kanyang pinagpupuwestuhan na pinagbilhan ni HUGO.

"Thank you Manang." agad na pasalamat ni HUGO sa Tindera.

Pagkaharap ni HUGO, nakabangga nya ng salubong ang babaeng nakapulot ng kanyang ballpen.

Sabay silang natumba sa ilalim ng mga paninda ni Manang.

Natabig ni HUGO ang isang bag ng Adobong Kasoy habang napayakap ang babae sa kanya.

Nahulog din ang Ballpen sa bulsa ng babae ng di nito alintana.

Nagkatitigan sa mata ang dalawa nang matagal.

Sigaw naman ng sigaw ang tindera. Anak nya pala ang babaeng nabangga ni HUGO at paninda nila yung Kasoy na nasanggi nito.

Sobrang bumagal ang oras para kay HUGO at sa Babaeng naka bangga nya. Hindi nila alintana na amoy Adobo Flavor na silang dalawa.

HEARTS IN ANTIPOLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon