Chapter Fourteen

20 0 0
                                    

Nagsimula nang kumain ng agahan si HUGO sa garden ganun din si Eskimo.

"My Son! Im glad you came by! Where's my bilin?"

Pambungad na bati ng Daddy ni HUGO na si

MR. GAULDENCIO HUGO DELA MANCHA BARTOLINO The IV a.k.a. Don Dencio

* Owner, Founder, President and CEO of  BARTOLINO DAIRY

"The Most Trusted Dairy Brand and Number One Supplier of Provolone Cheese in the Philippines and the World."

* Multi-Zillionaire

* Business Tycoon

* Butihing Ama at Asawa

* Kamakailan lang na hostage pero sanay na. Mayamang mayaman na naman daw sya. Hindi na nya problema ang ransom ngayon.

* Avid Fan ni Tom Jones, Engelbert Humperdink, Eddie Peregrina, Victor Wood at Rico J. Puno.

"Dad, I put it on the fridge."

"Ok, I'll get it. Have you noticed your Mom?"

"Not yet, Dad. I think she's on the piano room. I can hear her playing chopin."

"Ok, I'll bring her the Kalamay and Kasoy. Thanks Anak, I know I can count on you."

"Well, go ahead Dad, Surprize Mom."

"Ok, sige anak maiwan muna kita."

Dali-daling umalis si Don Dencio sa Garden papunta sa kusina para ihanda ang surpresa sa asawa.

Habang kinakain ni HUGO ang panat na Kalamay na kanyang Almusal, ay naaalala nito si ANNE kaya naisipan nya itong i-text.

"Good Morning! Musta? ^_^"

Agad namang natanggap ni ANNE ang text sa pwesto nila sa Pasalubong Center.Matumal pa nung oras na yun kaya di ito busy. Nag-dalawang isip ito kung rereplyan nya ba o hindi? Makalipas ang isang minuto, nireplyan nya ito.

"Good Morning din. Eto wala pang benta kaya petiks lang. Gawa mo?"

"Ah, Eto, kinakain yung mga kalamay for breakfast."

Nag-isip si HUGO kung paano nya mapapahaba ang pag-uusap nila sa text. Naka-isip ito ng paraan."

"ANNE, Knock, Knock?"

Mukhang umpisa pa lang ay nakokornihan na si ANNE sa text na yun ni HUGO ngunit patay ang oras kaya sinakyan na lang nito ang bang-aga trip.

"Who's there?"

Nag-isip ulit si HUGO pagkatapos ay nag-reply.

"Obama ^_^"

Sa isip ni ANNE medyo bago yun pero isa ang sinisigurado nyang resulta nito. Agad syang nagreply.

"Obama who?"

Makalipas ang 10 mins, nag-text na ulit si HUGO.

"Oooobama self...

Don't wanna be...

Oooobama self...

Anymore..."

Sa puntong yun gustong maurat na ewan ni ANNE sa nabasa.Humahagalpak naman sa tawa si HUGO dahil sa kakornihan nya. Nag text ulit si ANNE.

"Alam mo, napaka-korny mong hayop ka, Last mo na yan huh! Hahahaha =D"

Ang sarap ng tawa ni HUGO sa nababasa nitong reply sa kanya ganun din si ANNE. Nag-text ulit si HUGO.

"Sorry na po... Hahahaha! XD XD XD"

"May gagawin ka ba next week? Tara, gala tayo! Sama mo si Iko. ^_^"

Limang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin nagrereply si ANNE kaya tinawagan na nya ito.

Dialling...

Di pa rin nasagot.

Dialling...

Di pa rin sumasagot.

Dialling...

Wala talaga.

Drop call...

"Bakit kaya di sumasagot to¿" pagtataka ni HUGO sabay kamot sa ulo.

Nag-text ulit si ANNE.

"Tawag ka ulit. May bumili eh. Di ko nasagot agad. Sensya na."

Dialling...

Sinagot agad ni ANNE ang tawag.

"Yes?"

"Ano? Gala tayo? Sama mo naman si Iko."

"Ah, eh..."

"Wag na pa-ah-eh-ah-eh pa. Wala ka naman sa banyo ngayon eh. Hahahaha. Sagot ko naman lahat eh. Dali na, Please.... ^_^"

Pinag isipan ito ni ANNE subalit sa kakulitan ni HUGO ay pumayag na din ito.

"Oo na, Sige na, pero ipapaalam ko muna si Iko kay Nanay huh. Baka mag-panic nanaman yung si Beyonce."

"Beyonce?"

"Si Nanay kako. Alam mo naman yun kapag nag-panic, daig pa yung Half time Superbowl performance ni Beyonce."

"Sira ka rin ano?"

"Hahahaha! Mga Sabado?"

"Sabado?"

"Oo"

"Ok sige, save the date. Sabado huh. Sunduin ko na lang kayo. San ko kayo susunduin?"

"Dito na lang siguro sa tindahan para panatag ang loob ni Beyonce (Manang Kareng) kay Iko."

"Sige sige, basta sabado huh. 9am."

"Oo na, kulet mo. Hahahaha =D"

"Ok then, babye ANNE."

Pag-baba ng tawag, tila na-excite si HUGO. Agad nitong tinapos ang almusal at pumasok sa loob ng bahay kasama ang alagang si Eskimo.

HEARTS IN ANTIPOLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon