Chapter 16

7 0 1
                                    

Sabado ng umaga, naghihintay si ANNE sa pwesto nila sa pasalubong center kasama ang kapatid nitong si Iko. Pareho silang naghihintay kay HUGO.

"Ate...¿ Nitatagal po ba... si Kuya HUGO...¿"

"Malapit na yon, Iko..."

Sumabat sa usapan si Manang Kareng na nag-aayos ng tinda.

"Yang kapatid mo ANNE, ingatan mo yan dun at baka mawala. Uso pa naman ang Kid narp."

"Nay...?! Anong Kid narp? Baka ho Kidnap!"

"Ganun na din yun, Anak."

Tumingin si Manang Kareng kay Iko.

"Iko..., lagi kang hahawak sa kamay ni Ate. Wag ka bibitaw huh?"

"Opo... Mama... Pinky Swear..."

Habang nagpi-pinky swear ang mag-ina ay biglang lumabas si Phoebe. Agad na napansin ang suot ni ANNE.

"TEH......? ANYARE SA'YO?! Sabado pa lang, bakit nakapang-simba ka?!"

"Wag kang magulo Sissy. May lakad kami ni HUGO."

"EW... MAH... GAD...!!! Court of Appeals na kayo ni Fafa Hombre? Lavet na!!! You're so condensed sissy!!! Ma-Crema ang kagandahang banggit mo today!!! Panalo ang kabuhayan showcase!!!!! Ahhhhhhhh!!!! (Pumapalakpak)"

Dumating si HUGO dala ang kanyang Mini Cooper na Doraemon Theme. Natuwa si Iko sa nakita.

"Ate! si Kuya Hugo Oh! Hihihihi Doraemon!" ^_^

Bumaba si HUGO sa sasakyan.

"Hello Iko, Hi ANNE, Hello po Manang Kareng. Ipapasyal ko lang po sila."

"Sige lang Anak, Ingatan mo mag-ina ko huh? at kung pwede, tita na lang wag na manang."

"Medyo gagabihin po kami kasi po may dinner po sa bahay. Ano po bang gusto nyong pasalubong?"

"Kahit ano Anak. basta biyaya. O sige na, ANNE, Iko, lakad na kayo."

Lumabas si ANNE kasama si Iko sa stall. Naka-palda itong puti na may red roses na prints samantalang si Iko, naka Ocean Blue na T-shirt at Navy Blue na Jumpers with Vintage Cap. Di maiwasan ni HUGO ang humanga.

"Let's go! Bye po Manang este Tita!"

"Ingat kayo! ANNE si Iko ha?"

"Opo ma!"

"Bye Mama!" ^_^

"Bye Iko!"

Habang nagda-drive, nagpatugtog si HUGO sa loob ng sasakyan.

["Napapalala - Ceidge Razon" Playing]

Habang nagmamaneho, nagpagpasyahan ni HUGO na dalhin na lang sa Star City ang mag-kapatid. Hindi nya ito sinabi sa dalawa para masorpresa. Napatingin si IKO so bintana habang nasa gitna ng biyahe.

IKO: "Wow! Ate! Nitingin kaw oh! Dagat! Daming boat!"

Nagandahan ang dalaga sa tanawin ng Manila Bay. Kinausap nya si HUGO.

ANNE: "Ang ganda naman dito. San ba tayo pupunta?"

HUGO: "Basta"

ANNE: "Baka kini-kidnap mo na kami ah."

HUGO: "Oo. Kidnap ito. Kinidnap ka ng lalaking naka Mini-Cooper makasama ka lang. Hahahahahaha!"

ANNE: "Baliw ka po! Hahahaha!"

Sakto ang pagdating nila sa Star City. Kakabukas pa lang nito.

Agad na bumili ng tickets na Ride All You Can si HUGO.

HUGO: "3 RAYC Please."

Agad na pumasok ang Tatlo sa loob.

ANNE: "IKO, Wag lalayo kay ate huh!"

Tumatalon sa tuwa ang bata.

IKO: "Opo Ate! Yehey!"

HUGO: "Kumain muna tayo, gutom na ako eh."

Agad silang nagtungo sa Food Court para kumain a pagkatapos ay simulan na nila ang kasiyahan.

Una nilang sinakyan ang Bumper Cars kasunod nito ay Giant Star Wheel. Sumakay sa Telecombat at Pumasok sa Magic Forest. Lumipas ang oras at muntik na makalimutan ni HUGO na may dinner appointment sya kasama ang parents nya.

HUGO: "Nag-enjoy ba kayo?"

IKO: "Opo Tuya Huto!"

ANNE: "Hahahahaha! Pasensya ka na kay IKO huh. Medyo bulol pa. Bata pa kasi."

IKO: "Ate naman eh..."

HUGO: "Ok lang yun. ANNE, Ok lang ba bago kayo ihatid pauwi, mag-dinner muna kayo sa bahay?"

ANNE: "Magpapaalam muna ako kay Nanay."

Tumawag si ANNE kay Manang Kareng.

Manang Kareng: "Hello Anak? Ano nagkakamabutihan na ba kayo ni Pogi?"

ANNE: "Ma.....! Ano ba namang tanong yan!?"

Manang Kareng: "O bakit ano yun? Ma, ok lang daw po ba bago kami ihantid dyan sa bahay, mag-dinner daw muna kami sa kanila?"

ANNE: "Paka-usap nga si HUGO."

Inabot ni ANNE ang celfone nito kay HUGO.

ANNE: "Kausapin ka daw ni Nanay."

HUGO: "Hello po Tita?"

ANNE: "Ingatan mo yang dalaginding at bunso ko ah, kung ayaw mo makonyatan sa lungs huh?"

HUGO: "Hahahahaha Opo...."

Manang Kareng: "O sya mag-ingat sa byahe. Pasalubong kamo."

HUGO: "Opo, Thank you po."

Binalik ni HUGO ang celfon kay ANNE.

ANNE: "Hello ma?"

Manang Kareng: "Sige na. OK na."

IKO: "Ate, pakausap si Nanay."

Inabot ni ANNE ang celfon kay IKO.

IKO: "Elooooooowwww?"

Manang Kareng: "Bunso! Bantayan mo si Ate huh."

IKO: "Opo. I lambyu, Nanay."

Manang Kareng: "I love you too. O sige na, baba ko na."

IKO: "Ba-bye!"

Ibinalik ni IKO ang celfon kay ANNE.

HUGO: "Halika na!"

Agad sumakay ang tatlo at nagtungo sa

Family House nila para mag-dinner.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEARTS IN ANTIPOLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon