Rescuing Mr. Nerdy Guy

153 12 2
                                    

Short update lang po to pero sa po magustuhan niyo..

Enjoy!!

******

Shawnelle's POV

Bwisit na teacher yun, pagalitan ba naman ako dahil lang sa pagiging late.

Ayaw daw niya ng latecomers eh late rin naman si Mr. Damuho.

Tinanong ko nga kung bakit ako pinagalitan tapos yung lalaking yun hindi. Sabi naman niya, may valid reason daw yung Shawn na yun kaya siya na late. Pinatawag daw ulit siya ng Dean. Eh ako, may valid reason din naman ako ha!

Some monkeys messed with me so I did my revenge at dahil na rin sa katangahan ko napunta ako sa kwarto ng isang stranger. Hindi lang basta stranger, kundi isang lalaking stranger. Tapos nag ano pa kami, hoy wag kayong green minded ha!!! Nag ano kami..... basta nakakahiya.... yung tsup tsup.... ewwww ang laswa ng term

Para siguro sakanila hindi valid reason yun pero para sakin oo......

Sana naman pankinggan ni Lord ang panalangin ko na hindi na kami magkita ni Mr.Cold

Yun ang tawag ko sakanya dahil expressionless siya, deep parang ganun.

Vacant namin ngayon kaya heto ako naglalakad sa field. Mas mabuti pa to kesa dun ako sa kwarto kasama, i mean katabi ang walangyang lalaking yun.

"Hoy!! Bakit hindi mo ginawa ang assignment ko?! Ha!?? Gusto mo bang masaktan ulit! ?!"sabi ng tabachoy sa cute nerdy guy.

cute kasi siya kahit naka salamin.......

"P-pasensya na, tinapos ko pa kasi ang project ko. "

"I don't care about your projects. What i care is you doing my assignments. Alam mo ba ng dahil sa ginawa mo, I'm f*cking scolded by my teacher. "

"Edi sana ikaw nalang ang gumawa."

"Abah!! Sumasagot ka na ha!!!"

susuntukin na sana ng lalaki si Mr. Nerdy Guy

"Ano ba bitawan mo nga ako!!"sigaw ng tabachoy sa akin.

"Let me tell you something bago kita bitawan tabachoy. Picking on someone whose obviously smaller than than you doesn't mean your strong. It only shows that your a coward who can't fight fairly with those who you are leveled with."sabi ko naman sa kanya with a smirk.

Nagpupumiglas siya pero pilit parin akong nakahawak sa kamao niya.

Anong akala niya ganun lang yon? Huh!! Magdusa ka muna.

Then in just a second tapos na.

"Aaaahhh!!!!!Aray!!!!!! Ang braso ko!!!! Aray!!!!" sigaw niya habang nakahiga sa damuhan ng field.

Tama lang yan sa kanya noh!  Dapat marunong siyang rumespeto.

"Ikaw! "baling ko kay nerdy guy."Hindi ka pa ba tatayo?! Kung akala mong tutulungan kitang tumayo pwes......................tama ka. Mabuti nalang at cute ka "

"Anong sabi mo? "

"Sabi ko pasalamat ka at napadaan ako kundi may black eye ka na! "sarcastikong pagkasabi ko sa kanya.

Inilahad ko sa kanya ang kamay ko at tinulungan siyang tumayo.

"Salamat nga pala sa pagtulong."

"Anong salamat, may kapalit yun! "

"Magpapagawa ka rin ng assignment  mo sakin? "

Grabe naman tong lalaking to ginawa pa akong bobo.

Nuisance is meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon