"Aray.....ang sakit ng batok ko...."
Hinihimas himas ko ang batok ko pero nanatili parin akong nakapikit.Nakatulog pala ako? Bigla ko nalang naalala si nerdy guy. Shit!!! Sa balikat niya pala ako nakatulog pero bakit ngayon parang nakahiga na ako?
"Gising ka na pala..."
Agad naman akong napabangon at napalingon sa nagsalita. Sobra sobra na ba ang kagandahan ko para pati demonyo ayaw akong tantanan? I started to massage my temple. Ang sakit na ng ulo ko sana wag namang dagdagan ng lalaking to.
"Anong ginagawa mo dito? Mr. Damuho?"
"Wala lang,napadaan kasi ako kanina habang papunta sa dean's office pero nakita kita kaya tumigil muna ako..Hindi ba masakit ang batok mo dahil sa bag na yan? "
Bakit palagi nalang ting tinarawag ng dean?
Bag? Tumingin naman ako sa paligid habang hinahanap ang sinasabi niyang bag. Agad ko naman nakita ang ang bag na checkered. Kaya naman pala masakit ang batok ko, bag pala ang ginawa kong instant unan. Ang tigas pa naman niyan. Akalain mong puro notebook at libro ang laman niyan malamang sasakit talaga ang batok mo dyan.
"Nasaan na ba si nerdy guy? "
"Nedry guy? " takang tanong niya sakin.
Bakit ba epal ang lalaking to? Hindi niya ba napapansin na wala ako sa mood para sagutin ang mga walang kwentang tanong niya? Maka alis na nga lang dito sa impyerno. May demonyo kasi eh.
Agad akong tumayo at dinala ang bag ni Nerdy guy. Babatukan ko talaga ang lalaking yun pag nakita ko. Iwan ba naman ako ako don? Ang bigat pa naman nitong bag niya. Itapon ko kaya to sa basurahan? Hmm.....Good idea.
Shawn's POV
Psh. Anong problema ng babaeng yun? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah? Hindi ko nga alam kung bakit naiinis sakin yun eh. Bigyan ba daw ako ng pet name? Pero sa dinami dami ng pangalan bakit Mr. Damuho pa ang napili niya? Ang pangit. Pwede namang si Mr. Handsome dahil gwapo naman ako o kaya Mr. Cool.
Tsk. Hayaan niyo nanga ang babaeng yun. Hindi din naman big deal sakin yun eh.
Hindi nga ba?
Vreyan's POV
Nandito ako ngayon sa cafeteria para umorder ng lunch namin si Shan-shan. Iniwan ko muna siya sa lake pansamantala dahil lunchbreak na at sigurado ako na paggising nun eh maghahanap agad yun ng pagkain. Hindi pa naman yun naka kain nung recess.
Pagkatapos kung umorder ay agad naman akong nagbayad sa counter. Nagmamadali akong lumbas dahil ba magising yun at maging dragon dahil sa gutom. Magandang dragon.
Hindi pa naman ako nakalabas ng cafeteria ay ay biglang may pumasok na babaeng naka agaw ng pansin sa ng lahat ng kalalakihan dito sa loob.
"Sino ba ang tinitignan mo-- siya na naman?! Ano bang merong ang babaeng yan na kung makatitig ka wagas?! " narinig kong sigaw ng babae sa lalaking malamang boyfriend niya.
"Kapag hindi ka tumigil sa pagtitig diyan, makikipag break talaga ako sayo."dagdag pa niya.
"Edi break kung break. Di hamak naman na mas maganda siya kesa sayo. Plus Sexy pa at cool..."sagot naman ng lalaki na ikinagulat ng babae.
Dahil sa sinabi ng lalaki ang bahagyang nasaktan ang babae at mapapansin mo ang namumuong luha sa mata niya. Bigla naman siyang tumakbo palabas ng canteen.
Well may point naman talaga ang lalaking yun. Maganda talaga si Shan-shan at sexy pa. Mas lalo siyang naging cool sa paraan ng pagsuot niya ng uniform. Nakabukas ang coat at ang white long sleeve blouse ay tinupi niya na hanggang siko niya at imbes na naka black school shoes ay naka black leather boots siya.
"witwew"
"Sexy...."
"Gorgeous"
"Hoy! Nedry Guy!! Bakit mo ako iniwan dun sa may lake, ha?! Alam mo bang may demonyo akong nakita don."
Grabe tong babaeng to,wala manlang pinipiling lugar kung sumigaw. Nakakahiya dahil halos lahat ng tingin nakasentro sa aming dalawa.
"Bumili lang naman sana ako ng pagkain para sa ating dalawa. Alam ko naman kasing hindi ka nakapag recess kaya baka gutom ka na." paumanhin ko sakanya.
Grabe pala to pag magalit parang ang.
.
.
.
.
.
.
.
Sexy niya tingnan....
Nagagalit na nga siya pero yun parin ang iniisip ko.Tsk...
"Talaga? Ginawa mo yun para sakin?" pasweet niyang tanong.
Tumango lang ako bilang tugon sa tanong niya.
"Thank you ha!! Sana hindi mo nalang ginawa!!"
Galit ba siya??
Shawnelle's POV
"At isa pa nga pala, yung bag mo nasa basurahan."pero syempre joke lang yun. Yung bag niya kasi nandun na sa room niya pinadala ko sa lalaking nakasalubong ko kanina. Mabuti nga hindi siya slow at nakuha agad ang description ko. Vreyan Santillan pala ang pangalan ng nerdy guy na yun.Well nice name.
Bwisit na Mr. Damuho yun pati tuloy si Nery guy napagbuntunan ko ng galit. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako galit sa kanya that even just seeing his face angers me.
Wala naman akong gagawin dito kaya naglakad nalang ako pabalik sa room. Sana bago ako umalis kinuha ko muna ang pagkain. Sabi naman niya binilhan niya ako diba? Nagugutum na talaga ako.
May nakita naman akong bato sa bermuda grass at sinipa ng malakas. Mas mabuti nang dito ko ilabas ang galit ko kesa naman sabunutan ko ang makasalubong ko diba?
*glass breaks*
Sh*t!!!.F*ck!!!
Para akong nabato sa kinatatayuan ko.Bigla nalang may lumabas na babae sa loob ng isang room. Halata sa mukha nito na galit galit talaga siya.
"You!!! Detention!!! Now!!! "sigaw niya sa akin.
Tatlong salita lang yun pero grabe sa tanang buhay ko ngayon lang ako na detention. Well ok na rin yun. New experience.
******
@gangstergirl_12
BINABASA MO ANG
Nuisance is me
RandomShawnelle Ashley Reynolds. A beautiful, sexy ,bright, bitchy, and naughty sophomore girl who hates to go to school and socializing with other people. Her parents decided to enroll her in Whitegriff High which she really hates the most. During her s...