Cheim's POV
Parang nireregret ko na dinala ko dito si Shawnelle. Hindi ko kasi maaasahan ang magaling kong kapatid na hindi ng gumawa hindi magandang bagay.
Sinabi ko na naman sa kanya kanina ang dahilan kung bakit ko siya dinala dito. Nung una nagalit siya,well hindi naman galit. Galit na galit nga lang. Mabuti na nga lang at mabilis kaming nakarating sa bahay kung hindi,naku!! Bugbog sarado na ako sa babaeng yun. Si manong driver naman tawa lang ng tawa. Psh. Sisantehin ko kaya siya para madala?
Kapag naaalala ko yung mga previous girls na dinala ko dito sa bahay upang magpanggap bilang girlfriend ko. Hindi nga sila nakalagpas sa patibong ng kapatid ko.
Flashback...
FGF(Fake girlfriend) #1: Uminom ng juice na bigay ni Chxime na may halong suka.
FGF #2: Nilagay ni Chxime ang alaga niyang tarantula sa loob ng damit ng babae.
FGF #3: Nilagyan ni Chxime ng sandamakmak na sili ang dessert na kinain ng babae.
FGF #4: Nilagay ni Chxime ang paboritong pagkain ng aso nito sa upuan ng babae kaya hinabol ito ng aso dahil may nakakapit pang pagkain sa damit nito.
FGF #5: Uminom ng Specialty ni Chxime. Ang Chocolate shake with earthworms.(Di naman halata yung worms diba? Lalo na pag gutay gutay na ang worm..ewwww)
FGF #6: Knock out dahil binato ni Chxime ng Basketball sa ulo.('di daw yun sinasadya ni baby Chxime. Naniniwala kayo?)
FGF #7: Hindi pa nakikila nila mom, ospital na kaagad ang diresto. Buhusan ba naman ng marbles ang tapat ng pinto.
FGF #8: Knowing na di marunong lumangoy , tinulak ni Chxime sa 10 ft. high na swimming pool.
FGF #9: Gumawa si Chxime ng extra extra extra extra bitter, sour, salty chicken sandwich. Syempre kinain niya. Hindi ko nga naintindihan ang mukha eh.
FGF #10: Ito ang pinakamalala sa lahat. Nag dissect si Chxime ng frog then aksidente daw niyang nahagis sa kinakain ng babae.
Sa dami na nang nadala ko dito marami na rin ang umalis. Shit!! Gawin ba naman yun sayo lahat?
"Oh Shawnelle, ano namang pinag usapan niyo ng batang yun?"
"Sinabi niyang tigilan na daw natin to dahil kung hindi siya daw ang magpapatigil satin"
Napatigil naman ako sa sinabi ni Shawnelle. Pakshit na bata yun. Di ba siya titigil sa kakagawa ng kalokohan? Humanda sakin ang bubwit na yun.
"Natatakot ka sa tiyanak na yun?"
"HOY!! SINO'NG TINATAWAG MONG TIYANAK?!BABAENG LOSYANG???!!"
"Aba't!!! Sumusobra ka nang tiyanak ka ah!! Sino'ng tinawag mong losyang? Ako?! Hindi mo ba nakikita ang beautiful body and sexy face ko?----wait.....ay mali. Hindi mo ba nakikita ang sexy body and beautiful face ko??!!Ha??!!"
"Meron ka ba nun??!"
-_____________________-!!!!!!
Patuloy parin ang pagtatalo ng dalawa. Tsk. Wag niyong pansinin ang mga yan. Note: Wag pagsamahin ang batang maldito sa babaeng maldita. Kundi World War three ang magaganap.
"Tsk. Losyang at Tiyanak? Tawagin ko kaya silang ganun" sabi ko
"Don't you ever dare!!!"
Sigaw nilang dalawa sakin bago nagtinginan ulit ang they're back to their business.
BINABASA MO ANG
Nuisance is me
RandomShawnelle Ashley Reynolds. A beautiful, sexy ,bright, bitchy, and naughty sophomore girl who hates to go to school and socializing with other people. Her parents decided to enroll her in Whitegriff High which she really hates the most. During her s...