Little devil 1

110 12 2
                                    

This chapter is dedicated to you......thanks for voting....

**************

Cheim's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng room ni Ashley, i mean Shawnelle. Ayaw niya daw kasing tawagin na Ashley. Tsk. Malay ko ba sakanya. Alam niyo naman ang mga babae, maaarte.

'Uyy ....ba't nandito si Papa Cheim? Sheyt!!! Ang gwapo niya talaga...'

'Ayyy gaga , baka naman kamukha lang niya. Ano naman ang ginagawa niya sa tapat ng room na yan eh sa third floor pa yung room niya. Balita ko nga kay Shawnelle yang room na yan.'

Grabeng mga babaeng to,alam kahit anong floor ang room ko.Pucha!! Bakit ba ang tagal ng babaeng to?

'Girl,siya talaga yan. Sure ako dun. Tingnan mo pag humarap yan mamaya.'

'Siguraduhin mo lang . Pero kung siya nga yan, bakit siya nasa labas ng room ni Shawnelle? Balita ko maldita raw yung babeng yun.'

Kung makapagusap naman ang mga to akala mo kilala talaga nila yung tao. Hindi naman maldita si Shawnelle eh...slight lang...

Kinatok ko ang pintuan niya.

"Mag-iisang oras ka nang nasa loob. Hindi ka pa ba lalabas diyan? Nakakangalay kayang tumayo dito sa labas."

Ok lang naman yung maghintay sa kanya eh pero yung tumayo ka sa labas habang may dalawang babaeng nakatingin sayo na hindi mo alam kung may binabalak bang masama. Baka paglabas nun sa room niya, gutay gutay na ang damit ko at pinagsasamantalahan na ng mga baliw na babae.

"Pinilit mo lang ako kaya manigas ka diyan."sagot niya sakin

Habang bagot na bagot akong nakatayo ay hinihintay siyang lumabas ay sa wakas narinig na rin ng panginoon ang panalangin ko.

"Bakit ba ang ta--"

I was left dumbfounded when I saw her. She is wearing a yellow dress. Simple yet beautiful and it suits her fair skin complexion. Pinartneran pa niya ito ng flesh colored stilletos. Wala siyang nilagay na make up sa mukha niya katulad ng ibang mga babae kaya mas lumitaw ang natural na ganda nito.

"Oh,ano? Natameme ka sa ganda ko no?!"panunukso niya habang sinusundot ang tagiliran ko.

"Umayos ka nga nagulat lang ako nang nakita kitang nakaganyan. Mukha kang unggoy na pina suotan ng dress. Tsk.Di bagay"

Well, what I just said was all opposite of what I am thinking right now. She's obviously gorgeous. Tinapon niya sa akin ang dala niyang handbag. Pucha naman oh!!! Bakit pink pa??!! Nagmumukha tuloy akong bakla.

"Ikaw ang mag dala niyan. Pupunta tayong mall ngayon din."

Nagsimula na siyang maglakad at ako ay nanatili parin sa pwesto kong nakaharap sa pinto.'Mall? Ano naman kaya ang gagawin niya dun?'

Naglakad na ako upang sundan siya pero pagharap ko palang ay may narinig na akong sumigaw. Tsss.. Yung dalawang baliw na binabantayan ako kanina.

'Sabi sayo girl eh! Siya talaga yun'

'Oo nga . Grabe ang gwapo niya.'

Hindi ko nalang pinansin ang pinagsasabi nila at sinundan ko nalang si Shawnelle. Pero nakita ko siyang tumigil sa harap ng dalawang babae. Mas nilakihan ko pa ang mga hakbang ko at nang makarating na ako sa kinatatayuan niya ay tumabi ako sa kanya.

"Ano na naman ang binabalak mo? Ha?" bulong ko sa kanya.

"Just watch and learn."

Kahit naka side view siya ay kitang kita ko parin ang pagbago ng timpla ng mukha niya at bahagyang napataas ang kilay nito.

Nuisance is meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon