Ikaw At Ako

21 3 1
                                    

Ikaw at ako
Kahit sa panaginip malabong magkatotoo
Ano man ang gawin
Malayong ikay maging akin

Nung una sinubukan kong pigilan
Ang bugso ng aking nararamdaman
Kaso ayaw na ako nitong tantanan
Kaya sikreto nalang kitang minamasdan

Nakaukit na kasi sating tadhana
Na landas kailan may di magtutugma
Tayo hindi nakatakdang magsama
Dahil nakalaan ka na sa iba

Gusto na ba talaga kita?
Kasi hangang ngayon akoy naguguluhan pa
Nangangapa sa mga kilos at gawa
Na malimit mong ipakita
Lalo nat kasama mo siya
At kayo ay masayang masaya

Ayokong sumugal
Sa larong wala namang nagmamahal
Kasi ako lang naman ang talo
Na umaasa na sana magkaroon ng tayo

Bella (kompaylasyon ng mga tula) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon