Ina

8 0 0
                                    

Ang iyong kagandahan hindi nakakasawang pagmasdan
Kahit saan man ako tumingin lulan mo ang aking isip at damdamin.
Sa pagsikat ng araw, iyong ganda'y purong lumilitaw at mas lalong ika'y nakakabighani sa papalubog na araw.

Ang iyong luntiang  kamay hatid sakin ay buhay.
Nagbibigay lakas, sigla at kulay para sa gawain sa pang araw- araw.
Tahanan ka ng iba't - ibang nilalang tunay na dakilang ina na mapagmahal

Ngunit nakakalungkot lang isipin ika'y nasasaktan ng mga mapang - abusong anak na siyang  hari ng kasarinlan.
Hindi nila naiisip na hangad mo lamang ay sila'y maalagaan at mabuhay.
Pero ikaw tong siyang unti-unti nilang nilalapastangan.
Ina patawarin mo sila sa kanilang kahangalan.

Alam ko malapit ka nang sumuko sa aming mga anak mo.
Pero hindi parin ako susuko na sila'y mabago at ika'y muling alagaan at irespeto.
Kagaya ng lagi mong gingawa sa lahat ng nilalang sa mundo.

Bella (kompaylasyon ng mga tula) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon