Option?

8 0 0
                                    

Minsan natanong natin sa sarili
Kung bakit nga ba, iba ang napipili?
Hindi man lang nasali sa pagpipilian
Kasi siguro meron pang  higit na nakakalamang

Saka  lang napapagtanto
Na labis palang nakakagago
Turing nga sa iyo'y mahalaga
Pero meron pala siyang lista
mas masakit pa dun wala ka kahit sa option niya.

Kaya madalas tayong nasasabihan ng uto-uto
Tanga sa taong tingin sayo'y option o cover up lang talaga
Bawat galaw kasi ay binibigyang kahulugan .
Yung akala mong tama at higit pa ang ipinahihiwatig pero sa huli kalebel mo lang yung trinotropa at kinakaibigan.

Yung tipong wala na! ubos na! Wala ng natira sa listahan niya
Kaya yun! No choice, ikaw nalang always willing  at game na game
Kasi kahit saang angulo marupok ka pagdating sa mga pagsuyo niya
Kahit paulit-ulit na saktan
balewala lang lahat ng sakit na nararamdaman
Pano? sabik na sabik na maranasan ang pinapangarap na pagmamahalan

Seryoso? Gusto mong magpa-uto sa gago?
Kahit alam mong hindi ka naman niya mahal na totoo?
Alam mo na ngang tingin niya lang sayo'y panyo
Pamahid sa mga luhang sa kanyang mata' y tumutulo
Sa panahong siya ay malungkot at bigo.
Tapos heto ka ngayon sumusugal  kay gago at nakikipaglaro.
Tinataya mo lahat-lahat ng para sana saiyong sarili para lang muli siyang magmahal at mabuo
Kahit wala siyang binitawan  na pangako?
Na ikaw naman ang mamahalin at isisigaw ng puso
Dahil sa labis na katangahan sa binubuong muli na katauhan
Siya ay muling nakatagpo ng panibagong kasintahan
Kaya sa huli ikaw parin ang talo
Dahil sa nakitang umuusbong na bago
Lahat- lahat ng binigay at isinakripyo ay tila bulang naglaho
Walang natira kundi ang wasak na puso
At mga katagang: tunay ngang ako' y marupok at uto- uto

Bella (kompaylasyon ng mga tula) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon