Kaibigan

8 0 0
                                    

Hindi man ipinagkaloob bilang kapatid
Lubos na kasiyahan ang tunay na hatid
Kasangga sa ano mang uri ng suliranin
Sa panahon ng lunkot, tiyak ika'y patatawanin

Sa mundong ating ginagalawan
Karamihan ng tao'y mapanlinlang
Mahirap magtiwala lalo't karamihan ay mapanakit at mapagsamatala.
Iilan nalang ang mga taong tapat at totoo, na pwedeng maging kabarkada o kaibigan mo.

Nang magkakilala, walang pag- aalinlangan ang nadama
Kahit mga ugali'y salungat sa isa't- isa.
Malayang naikwekwento ang problema at sekreto
Dahil alam na may respeto na hindi kakalat sa ibang tao.

Kahit talikuran man ng mundo, tiyak na ika'y dadamayan
Lagi nandyan para ika'y payuhan at gabayan
Hanggad ay Purong kabutihan
Upang sa huli'y hindi labis na masaktan

Lumalim ang samahan at nagbitawan na ng pangako.
Pangakong walang iwanan at walang mababago
Kahit balat ay kumulubot at pumuti na ang buhok sa ulo
Hanggang kamatayan itaga man sa bato.

Bella (kompaylasyon ng mga tula) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon