Mahika

12 0 0
                                    

Walong letra, tatlong salita
Ani mo'y mahika
Ang bisa ay mahiwawag
Kayang gisingin at pasayahin ang natutulog na damdamin.

Tila isa ring musika,
isang napakagandang sonata
na kayang  ipahiwatig ang natatanging himig
na siyang sayo lang aawitin.

"I Love You" sa wikang Ingles "Te Amo" sa wikang Frances pero kahit isalin man sa iba't - ibang lingwahe
Iisa lang ang mensahe
Kundi ang sabihin at iparating
Ang siyang tinitibok ng dibdib

Malimit mang bigkasin pero nakaukit na sa isip at damdamin
Ikaw lang ang mamahalin maubos man ang panahon laan sa atin.

Kahit saan man magpunta, kahit sino man ang makasama saiyo at saiyo parin ito nabalik at bibigkasin pagkat magpakailan man ako'y sayo at ikaw ay akin.

Bilang tanda ng aking pangako
Balang araw tayo'y haharap at sa altar tatayo
Susumpa sa harap ng Diyos at ng mga tao. Na palaging ipaparamdam at sasabihin ang mga katagang "Mahal kita"

Bella (kompaylasyon ng mga tula) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon