Kabanata3

105 3 0
                                    

Minmin'sPOV

Magtatatlong linggo na ang nakakalipas simula nang magbago ng schedule ng pagseserve sa Parish si Jethro ko T_T

Iniiwasan ba nya ko? Ganung iwas talaga? Alam ko magkaschoolmate kami pero nasa A section kasi sya eh. Nasa groundfloor ang section A-C at nasa secondfloor naman ang section D-F.

Section D ako eh. Di ko kasing talino si Jethro'ng section A na, with  the highest honor pa. Samakatuwid sya lang naman ang pinakamatalino sa school namin. Sya rin yung 'first choice contestant' sa tuwing may mga contest.

Magaling yan si Jethro sa lahat maliban lang sa pagkanta at pagsayaw. Ayaw na ayaw nya dun. Dun lang naman sya walang talent pero ayos lang sakin yun. Gusto ko pa rin sya kahit anong mangyari.


Magkaklase kami dati pero...dati yun hehe. Kaya nagkakilala kami. Sa totoo lang din naman sya naiirita sakin dati eh. Pero nang malaman nyang napupusuan ko sya bigla na lang syang nagbago. Lakas makapuso no?


Yung dating Jethrong kinakausap ako ng maayos (pagkailangan lang naman akong kausapin tulad na lang nung nanghiram sya ng pantasa. Waahhh heaven! kinausap nya ko!) iniismiran na ko ngayon. Ni ayaw nyang makita ang anino ko. Marinig lang akong magsalita tinatakpan na yung tenga, pero di kalaunan di nya tinatakpan yung tenga nya sa tuwing kinakausap ko sya e. Napagod na kasi bwahaha.


Ayun nga mag-iisang taon ko na rin  syang hinahabol habol. Sumali na rin ako ng choir sa Parish nila para kahit di kami nagkikita sa school magkikita naman kami dun. Kahit ayaw pa nya.

"MISS PARK?!"

Halos mapatalon ako sa kinauupunan ko nang may maramdaman akong tumama sa noo ko.

Napahawak ako sa noo ko at dumikit sa palad ko ang durog na----chalk?

Napatingin ako sa harapan at nakita ko ang teacher kong umuusok ang ilong habang nakapamaywang.

"MISS PARK!"

Tumayo ako sa kinauupuan ko saka yumuko. Lutang na naman kasi ako.

Di ko maiwasan eh

"ARE YOU WITH US?!"

Sigaw ulit ng teacher ko pero di ko na magawa pang sumagot sa pagkapahiya.

"Malapit na ang moving up! Di ka pa rin nagbabago. Alam mo bang naawa na lang yung iba mong subject teachers at ipinasa ka?!"

Malakas nyang sabi. Tahimik ang buong klase at lahat ng atensyon ay nasa aming dalawa.

"Miss Park bigyan mo ko ng sapat na rason para ipasa ka. Hindi pwedeng puro awa na lang. Papasa ka dahil sa awa! Ano na lang sasabihin ng papasukan mong eskuwelahan sa susunod na taon sayo? Na wala kang natutunan sa pinanggalingan mo? Ipapahiya mo tong school na to naiintindihan mo ba?!"

"Opo"

Mahina kong sagot.


Nanatili ang katahimikan sa loob ng classroom namin.

Hindi na kasi ako nakakapag-aral ng maayos kaya di na rin ako nakakasagot sa recitation. Kaya ganyan na lang ang inis sakin ng teacher ko.

Bagsak ang balikat ko nang maupo ako.

Ilang sandali pa at nagbell na.

"Classdismiss"

Ma-autoridad na sabi ng teacher namin saka kami nagsilabasan.

Jethro's POV

Kakatapos lang ng klase at naglalakad na ko pauwi nang makita ko si Minmin na naglalakad mag-isa.

Binagalan ko ang paglakad ko para di ko sya makasabay pero agad din naman syang lumiko sa isang street.

Nang madaanan ko yung pinaglikuan nya hindi ko na sya nakita.

Ang bilis naman nun.

At dumiretso na ko ng lakad. Like I care.

His SuitorWhere stories live. Discover now