Kabanata4

93 3 0
                                    


Mimin's POV

Pangatlong linggo ko nang hindi nakikita si namja chingu Jethro kung wala pa rin sya ngayon. Pero laking gulat ko nang makita ko sya kasama yung ibang altar servers.


Mabilis na natapos ang misa at agad kong pinuntahan ang tapat ng adoration chapel kung san dadaan si Jethro ko.


"Jagiy--"

"O pre, sino to? girlfriend mo?"

tanong ng isang altar server kay Jagiya ko.


Parang nandidiring umiling si Jethro. Habang ako eh natutuwa hehe. Mukha na kong girlfriend ni Jagiya.
Pwede na!


"Nililigawan mo?"



*ako tango tango*


"Naks! pre binata ka na!"

"Anu ba!"

Iritado nyang sambit at nilampasan kaming dalawa ng co-altarserver nya.


"Ako na'ng bahala dun. Ah Minmin nga pala"

Nakangiti kong sabi saka ko inabot ang kamay ko.

"Cedric De Leon. Nice meeting you"

Inabot nya rin ang kamay nya at nagbigay ng napakatamis na ngiti.


Sana ganito din kafriendly si Namja chingu ko.


Nagpaalam agad ako kay Cedric tska ko hinabol l si Jethro at sinabayan sya sa paglalakad.


"How's the day?"

Tanong ko pero tulad ng dati, irap lang ang naging sagot nya.

Bumuntong hininga ako at sa wakas nagsalita na sya.

"Why do you have to say that?"

"Ang alin?"

"That I'm your suitor?! Fuck! I would never court you. Not ever! Not a chance!"



"Uy bad yun ah. Wag kang magmumura. Kagagaling mo pa man din sa simba--"



"Pwede ba?! Hindi naman ako mabait. Hindi rin ako kasing gwapo tulad ng iba at hinding hindi rin kita liligawan! kahit kailan!"


Halos mabingi ako sa sigaw nya. Napakamot na lang ako sa ulo saka nagsalita.



"Eh hindi naman ikaw yung 'iba' na sinasabi mo eh. Tska wag mong ngang ikumpara yang sarili mo sa iba. At kung ayaw mo akong ligawan edi sige"

Nakayuko kong sabi tska ako tumingin sa kanya na diretso ang tingin sa daanan.

"I would never"

"Kaya naman ako ang manliligaw sayo!"

Masaya kong sabi. Nangunot ang noo nya at tumingi sakin ng may pag-aalinlangan habang meron pang pailing iling.

"You're crazy"

Di makapaniwala nyang sambit. Bumilis ang paglakad nya dahil sa inis, pero dahil ayaw kong nag-iisa sya sinabayan ko pa rin sya kahit hingal na hingal ako sa paghabol ko sa kanya.



Palagi talagang badmood to si namja chingu. Di ba sya naniniwala na seryoso ako sa sinabi ko?


Alam ko namang hindi ko pa sya official namja chingu eh kaya nga liligawan ko sya pero ayaw naman nya.


Maya-maya pa.


"Wala bang ibang nanliligaw sayo? *tawa*  Kung sabagay. Sino nga ba namang tanga ang liligawan ka"

Kumirot ang puso ko sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata. Sa halip ay ngumiti pa ko saka ako nagsalita.


"Di ko naman kailangan ng manliligaw e. Lalo na't ikaw at ikaw lang naman ang pipiliin ko may pagpipilian man o wala."


Seryoso kong sabi at hindi na sya umimik pagkatapos nun.


Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila. At bago pa man sya pumasok sa gate nila ay agad na kong nagpaalam sa kanya.


Ngumiti pa ko sa kanya saka kumaway. Di ko na inintindi yung kirot ng puso ko dahil sa sinabi nya. Ang dapat kong intindihin ngayon ay kung pano ko mapapatunayang seryoso ako sa panliligaw ko sa kanya.

His SuitorWhere stories live. Discover now