ALLEN POV.
Hindi pa den ako makamove-on sa mga pangyayare ngayong araw na to. Grabe ngayon palang nagpaprocess yung utak ko !
Pano ba naman , Sa lahat ng estudyanteng magiging kaklase ko .. Bat yung impaktong kulugo pa !
Kasalukuyan akong naglalakbay sa hallway . Break time ko ngayon eh . Salamat nalang at di ko pa nakikita yung impakto ..
Teka ..
Asan na nga ba yun ?
Ang weird nya ah , kanina nung nasa room pa kame makatitig wagas ..
Pero nung labasan na bigla nalang nawala ..
Baka nagbago na isip ? Narealize nya na mabait naman ako kaya di nalang sya gaganti diba ?
Hayss. Nagbabakasakali lang naman ako e ..
Tumigil muna ako sa may upuan sa garden ng school ..
Wala naman kase akong friends na kasama .. Hayyyyy loner !
Text ko kaya si gerald baka breaktime nya din ..
/ Kinuha yung cellphone sa bag /
"Opss." / Biglang sumulpot si ivan at kinuha yung cellphone niya /
"Oyy ! Anu ba ! Ibalik mo nga saken yan!" / Tumayo si allen at nilapitan si Ivan /
"Ayoko nga.. Sino ba itetext mo? Boyfriend mo?"
/ Pangaasar pa ni Ivan Habang tinataas ung cellphone, At dahil Matangkad sya .. Di maabot abot ni allen /
"Anu bang pakeelam mo ! Akin na nga yan !" / Nakikipagagawan pa si allen Pero ayaw talagang ibigay ni ivan /
/ Habang nagaagawan sila .. Hindi sinasadyang madulas sa kamay ni ivan ang cellphone ni allen ..
Kaya nabagsak to at nahulog sa wishing well sa garden.. /
/ Nagkatinginan muna sila bago maisip ni allen kung anung nanyare.. Kaya bigla silang Nataranta at nagkaumpugan pa nung pareho nilang kukuhanin ung cellphone na nahulog na /
/ Nakuha na ni allen yung cellphone nya at dali dali itong pinunasan.. Tinatry nyang buksan ito pero di na gumagana napaupo nalang sya habang hawak hawak ang cellphone nya na nasira /
/ Parang nakonsensya naman si ivan kaya naisipin nyang magsorry /
"Ahh u-uy S-Sorry.. Di ko naman alam na mabibitawan ko yung cellphone mo eh, A-Ano ah papaltan ko nalang.."
/ Pagsosorry nya .. Pero hindi sya pinansin ni allen , Nakayuko lang ito /
/ Hindi alam ni ivan ang gagawin nya kaya may bigla syang naisip.. bigla nyang hinila si Allen palabas ng garden nagulat naman si allen dahil biglang hinawakan ni ivan yung kamay nya at hinila patakbo /
"Anu bang ginagawa mo?! Bitawan mo nga ko!" /Hingal na sabi ni Allen habang hinihila sya ni ivan patakbo .. Palabas na sila ng gate ng school kaya biglang nagpumilit si Allen na bumitaw kay ivan/
"Sabi ng bitawan mo ko eh! San mo ba ko dadalhin!"
/ Biglang Sigaw ni Allen kaya napatigil naman si ivan /