Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa !
Excited na ko pumasok ngayon sa bagong school na papasukan ko ..
Transferee kase ako, at sa manila na ko magaaral ngayon..
Palagi kase kong palipat lipat dahil hiwalay na ang parents ko at kung san san din sila nadidistino ng trabaho nila ..
Pero okay lang sa akin , Sanay na naman akong magisa..
Highschool palang ako , nung naghiwalay sila kaya naging independent nako .. Dahil nga magisa lang ako kaya natuto na rin ako sa buhay , na kaya ko kahit ako lang .. Pero di naman nila ko pinapabayaan kahit di ko sila kasama pinapadalhan nalang nila ko ng panggastos ko at pambayad ko sa school.
okay na rin atleast malaya ako diba ?
Pero syempre di ko rin maiwasang malungkot , Sino bang tao na gugustuhin na magisa ?
Siguro sanayan nalang talaga..
Hala. Ang drama kona baka maiyak nako nito ..
At Hindi pa pala ko nakapagpakilala ! Ang daldal kona di ko pa nasabi kung sino ako .
Well. Ako nga pala ang bida sa istoryang to este ako nga pala si Allen Lee, Oh teka teka baka akalain nyo lalake ako, Babae po ako at hindi po ako koreana siguro yung lolo ng lolo ko po haha ! 18 years of age, 2nd year college dapat 3rd year na kaso dahil nga palipat lipat ako ayun magulo ! Im taking Bachelor of science in chuba chenes este IT po ako . Hindi ko alam kase kung anung gusto ko kaya nakiuso nalang .
O sya tama na intro ko ..
Balik na tayo sa kasalukuyan ..
Pasakay na ko ng jip papuntang school .. At guess what ?
Malalate nako !
Well sanay na ko dahil ugali kona talaga last minute bago ko kumilos . Hay nako first day sa school pa naman ngayun .. Buti nalang 15mins lang ang byahe papunta dun , Hindi naman masyadong malayo yung tinitirhan ko sa school .
At sa wakas nakarating na din ako.
Oh Helloooo New School and New life . /Bow/ May pagkaweird talaga ako eh..
Papasok na ko sa lobby ng biglang ..
Wait.. /kapa/ /kapa/ Asan pala yung ID ko ?
Shemay !! Sa lahat ba naman ng maiiwan ko yung ID ko pa !!
Tsk. Pano ko nito makakapasok ? Late nakooo !
(Nagisip isip) Lakad lakad .. Ah !! Maghihintay muna ko ng estudyanteng papasok ...
At ayun ! May Isang Gwapong lalaking papasok sa lobby .. Chance ko na to ! Hayss di ko to gagawin kung may choice ako ! Hayss okay lang yan Mag Fefeeling close muna ko ..
Lumapit ako sa kanya at .. Kumapit ako sa likod nya as in dumikit ako sa kanya para di mahalata nung guard na wala kong ID !
Binulungan ko sya ...
"Holdap To ! Akin na ID mo !"Haha syempre hindi yun ung sinabi ko..
"Ahm.. Derecho ka lang kuya, Wag moko pansinin hehe, Makikisabay lang"
Nahihiyang bulong ko sa kanya, Buti nalang Mukang nagets nya kase di na sya nagsalita ..
And Palagpas na kami sa guard ..
Nang..
Bigla syang huminto ..
Nagulat ako ng biglang syang sumigaw !
BINABASA MO ANG
Trouble Maker
Dla nastolatkówThis is Between Love, Hate.. and WAR with a twist ! XD