"Dad?"
Gulat na gulat si ivan ng makita nya kung sino ang nasa harap nya ngayon.
"A-anong ginagawa nyo dito? Panong--" Nagtatakang tanung nya . Iniisip nya kung paano sya nahanap neto.
Matagal na nya itong hindi nakikita Dahil alam nyang nasa amerika ito kasama ng kuya nya at dapat ay kasama din sya.
Pero tumakas sya nung mismong flight nila papuntang amerika. Ayaw nya sumama dito dahil ayaw nyang maging katulad ng kuya nya na sunod sunuran sa ama nila. Simula nung mamatay ang ina nya ay napalayo na ang loob nya sa ama nya dahil mahigpit ito sa kanila at masyado itong istrikto sa lahat ng bagay at halos lahat ng gsto nilang gawin ay hindi nila magawa. Dinidiktahan sila lage nito kung anong dapat nilang gawin kaya naman nagrebelde sya dito at ayaw na nyang sumunod.Hanggang ngayon galit pa din sya dito dahil sinisisi nya ito sa pagkamatay ng kanyang ina dahil kahit nagkasakit ang ina nya di man lang inasikaso ng ama nya at hinayaan na lumala ang cancer nito hanggang sa wala na syang nagawa nung namayapa na ito.
Kaya naman ganun sya kagalit sa kanyang ama. Dun sya tumuloy sa lolo nya nung tumakas sya dahil alam nyang di sya mahahanap doon.
Pero nagkamali sya dahil nahanap na sya ngayon at hindi nya alam kung pano pa ulit sya makakatakas dito..
"AKala mo ba hindi kita mahahanap?!! Kahit san ka pa magtago mahahanap at mahahanap paren kita! Tigilan mu na ang pagmamatigas mo! Sasama ka sakin sa ayaw o sa gusto mo!!" Pagalit na sabi sa nito sa kanya.
"KAHIT KELAN HINDI AKO SASAMA SA INYO! PABAYAAN NYO NA KO!" pasigaw na sagot nya.
Aalis na dapat sya pero hinarangan sya ng ama nya.
"Ako ang Ama Mo Kaya ako ang masusunod!" Matigas na pagkakasabi nito.
"Ama?!!! Matagal nakong walang magulang! Kahit kelan hindi kayo naging ama saken! Para sa inyo para lang kaming pyesa na ginagamit nyo sa pansarili nyong kagustuhan ! WALA KAYONG KWENTA !" Pagkasabi nya nun ay tumakbo na sya palabas. Naiwan naman dun ang ama nya na hindi makapaniwala sa sinabi sa kanya ng sarili nyang anak.
Tumakbo lang sya ng tumakbo.
Gusto nyang mapalayo sa lugar na yun.
Hingal na hingal na sya pero tuloy parin sya sa pagtakbo. Wala syang pakeelam sa mga nababangga nyang mga tao.
Para syang wala sa sarili na napaupo nalang sa isang bato na malapit sa isang park. Malayo na ito sa kanila .
Pagod na pagod sya kaya napasandal nalang sya dun .
"Shit!... Shit! Shit! Shit! !!" Sinisipa nya ung mga batong nandun sa sobrang galit na din nya.
Pero hindi nya napansin kakasipa nya sa mga bato .. May isang grupo ng kalalakihan ang dumaan na nataaman nya ng bato.