[[ Let's talk about FOLLOW ]]
Yung mga newbie...
Baguhan ka palang sa wattpad then ikaw ay tinatawag na newbie :) Syempre pag bagong nilalang ka palang sa wattpad, Kung kani kaninong message box (mb) ang pinupuntahan mo tas magtatype ka dun ng "hello." (I used to be like that at hanggang ngaun parin naman. Share lang mga dre.)
At sa bagong silang ka palang naman sa wattpad, kung sino sino ang finallow mo. Kahit di mo kilala ng lubusan basta feel mo i follow. I-fofollow mo naman!
Nakakaloka lang talaga yung ibang newbie, kung makapagstatus o makapag message sa iba eh pinangangalandakang newbie palang sila at sana follow nyo ko dahil ganito ganyan etchetera etchetera---. Ay DODONG/ INDAY!! marami kang karamay! di lang ikaw ang newbie. Hayaan mo silang madiskubre ka at kusang i-follow ka!
Nakakaloka din yung ibang newbie na kung makapag utos sa iba na please follow back.
Duh!! may kalayaan silang pumili ng i-fofollow! wag kang ano! kotongan kita eh. HAHAHA!
Hindi naman masama ang ganung gawain. Pero sana hinay hinay lang. Nakakahiya naman kasing pupunta ka lang sa mb ng iba para mag pa-follow or pa-follow back lang. Try to introduce yourself first in a good way! I'm not actually saying that it is a bad or somethin'.
Hindi nila obligasyon ang i-follow ka dahil sa inutus o hiningan mo ng favor sila. KALAYAAN, kalayaan naman ang ibigay niyo sa lahat!
Yung iba nabibwisit kahit ayaw na nilang mag-follow back eh mapipilitan sila. Oh! Wag kang ano! na feel mo rin yan! XD
Masaklap malamang kaya ka lang naman maraming followers dahil PM ka ng PM at post ka ng post sa mb ng iba para lang magpa-follow ka or follow back. Like duhh!!!! It's not really awesome!
One time nga may nag pm sa akin. Sabi pa..
PLEASE DO FOLLOW BACK, I FOLLOWED YOU. I'M A NEWBIE LANG KASI.
Like duh!! Ang sarap ihampas sa kanya ng keyboard at sabihang-- at sigawang NEWBIE LANG DIN AKO!!! Hindi ko sinabing I-follow mo ko para may utang na loob ako sayo na i-follow back ka!! kaloka po!!
Don't use the word "newbie lang kasi ako." to beg someone na i-follow ka or i-follow back ka. Hindi masama ang gawaing ganyan, pero I swear! maraming nabuburyo pag may nagppm sa kanila na follow back or follow please.
At eto pa malupet. Pag hindi mo finollow back. MAGAGALET! tas kung minsan UNFOLLOW ang sasapitin mo sa kanila! JUICE COLORED!!! patience nalang ang natitira sa akin ngayon! wag naman sana mawala! (hahahaha joke langss)
Ang pinaglalaban ko lang naman dito ay sana sa mga newbie nilalang there, here, everywhere. SANA sana matuto tayong alamin ang mga bagay bagay na dapat nating malaman. Like duh!!! I understand na yung iba talaga eh ganun, but when you realized something about what you're doing and it seems like you are out of the line. Try to change it and understand na minsan talaga kailangan mo mag hintay. Magkakafollower ka rin. Tiwala lang. :)
Hindi kasi magandang tignan na nagpapa-follow ka dahil sa newbie lang kayo or what so ever na excuse para lang i-follow kayo. It's kinda pathetic lalo na kung hindi kayo pansinin ng iba. Minsan kasi yun pa ang mas nagiging dahilan para hindi kayo i-follow back. Minsan ung iba talagang namimilit at minsan nag ppm pa para lang makamit ang follow back. --___--
Hindi rin magandang tignan na kaya ka lang nagkafollowers dahil sa pinilit mo o sinabihan mo silang FOLLOW BACK PO. Nakakaloka na malaman nila na kaya ka lang maraming followers dahil sa namilit ka. Just think about that.
It's not bad to do that kind of thing na mag pafollow back ka. pero DAPAT nasa lugar at hinay hinay lang. It's not a crime not having many followers. So just be content of what you have. ;)
*
NO HARD FEELINGS. NO OFFENSE. PEACE EVERYONE.
Please don't take it so serious. I'm just saying. ;)
BINABASA MO ANG
Yung Mga WATTPAD USERS Na...
De TodoMga opinion, Mga napapansin at mga nais ko lang iparating sa lahat ng mga WATTPAD USERS.