Ang kahiwagaan pagnag join sa BOOKCLUB -__-

78 5 4
                                    

[[ Tara! pag usapan naman natin ang KAGANAPAN sa bookclub!! ]]

Aminin na nating lahat. Karamihan sa atin sumali na sa mga bookclub na yan. Isang way para mapansin ka at mapansin ang story mo. Magkaron ng friends. At KAAWAY -_-

At isa na ako sa mga desperadang sumali. Marami narin ang pumunta sa mb ko and then lagay link ng bookclub kung gusto ko daw ba sumali. Gora naman ako any time kaya I Clicked it!

Simple lang ang pagsali, right? SIMPLE LANG.

Follow mo yung gumawa ng bookclub, vote mo story nya at kung madalas sapilitang basahin at mag comment para lang makasali ka. Yung rules na kailangan eh masunod kahit madalas... DI NAMAN SINUSUNOD! Kaloka!

Walang masama sa bookclub, marami rami narin ang napansin ang story dahil dyan. Dumami followers at lumakas ang confident para mas gumawa pa. 

Ang kinaiiritahan ko lang talaga sa bookclub na yan. Eh pagdating na sa partner partner, basahan ng story!! .Basahin ang story ng partner mo kahit 10 chapters lang, i-vote lahat tas comment. 

Kaloka! Eh yung iba nga vote lang ginagawa tas okay na daw okay na daw! Magcocomment ng DONE @dushfhfefg7  Tapos yun pala hindi naman binasa! Nag vote lang!

Musta yung rules?! Comment at vote nga diba?! Lokohan?!

At yung iba kung magcocomment naman sa bawat chapters ng story mo. Yung iba makapag comment lang.

Usually na comment :

Nice start. Keep it up.

Naiyak ako sa prologue.

Ang ganda, pagpatuloy mo.

Crush ko yung bida.


EDI WOW!!! (hahahaha)  

Hindi ko sinabing pahabain nyo ang comment nyo or magpakadramatic ka sa comment mo yung tagos sa buto ng author. Ang akin lang sana may connect sa binabasa. Yung tipong mararamdaman ng author na naiintindihan mo yung story or yung prologue na ginawa niya.

Wag ka ng ano. Nakakaano ka eh. LOL

Eto pa matinde. Yung ibang partner na ang lakas makamag remind sayo na sya yung partner mo at basahin na daw yung story nya kasi malapit na yung deadline. NAHIYA NAMAN AKO SAYO.

Patapos na ako ikaw kakasimula mo palang 2 hours before deadline! 

Marami na akong naging partner na magaling magkunwari. Meron nagvote at nagcomment sa lahat ng story mo at sa sobrang pagpapanggap na binabasa nga talaga niya yung story mo eh kung ano ano na naicocomment.

Like this:

Ang sama ni Jerald. Hindi niya dapat pinatay si Klariz. ASAR!!!

Bongga na sana yung comment eh. Kapaniwaniwala. Kaso sumablay sa mga bida. Jayson at Dana ang pangalang ng mga bida teh! Hindi Jerald at Klariz. Lakas eh. -__-

At yung iba:

I'm so happy for them! Ang galing mo author update pa!


Okay na rin sana yan eh. Kaso napaghahalataan. Tragic ang nangyari sa story HAPPY KA PA SA KANILA?!  AT EXCUSE ME.   EPOLOGUE NA TEH!! UPDATE PA GUSTO?!

lol. ako na mataray. ^_____^v

Guys, kung hindi nyo kaya panindigan ang responsibility nyo sa bookclub na sinalihan niyo. WAG NA SUMALI.

I understand na gusto nyo lang ay may makapagbasa ng story niyo. Pero sa sobrang gahaman ay halos lahat na sinalihan na bookclub. AY DAY!! GOODLUCK!!        

Nakakasama ng loob yung tipong binasa mo yung story ng partner mo kahit wala namang saysay, napaka boring, puro kabalastugan at halos dumugo dugo na ang ilong mo sa barok na english sa story ay taos puso mo paring binabasa at nagvovote at comment ka pa ng mahaba... TAPOS YUNG NAGING PARTNER MO HINDI BINASA YUNG STORY MO, MALALA PA HINDI NAG VOTE AT WALA TALAGA! 

Edi wow.

Minsan gusto mo nalang manggigil eh. Inubos mo yung oras mo para basahin yung story niya na hindi maintindihan ang takbo ng story!  Kabog talaga yung mga ganyan eh no!!

Kaya sa mga biktima ng echos gang. OO KASI ECHOSERA SILA! 

Mag ingat na okay? Pag walang pagpaparamdam ang partner mo wag ka muna mag start magbasa ng story niya or vote or something. Okaya ikaw ang mag first move. Message mo siya tas pag nagreply tsaka ka na magbasa at mag ubos oras sa story niya. Pero kung feel mo na talagang hindi niya binabasa at walang comments puro vote lang. EDI VOTE LANG DIN IKAW PARA FAIR!!!

Hindi naman talaga natin kailangan ng bookclub para mapansin. Pero kung talagang hindi mapansin sumali ka na pero hinay hinay lang sa pagsali mga inday at dodong. Alam nyo na mangyayari baka isumpa kayo ng magiging partner nyo sa bookclub na sinalihan niyo xD 

Well, that's all. Nalabas ko na lahat ng sama ng loob ko. (JOKE)

Haha. Sana dumami ang readers nyo at tandaan na kahit tahimik ka lang sa wattpad world. May makakapnsin parin ng story mo. :DD

PEACE EVERYONE ^____________^v

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yung Mga WATTPAD USERS Na...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon