[[Let's talk about pagpapabasa sa iba ng story mo.]]
Halos lahat ng wattpad users ay gumagawa ng story. Nakakatuwa isipin na kayang gumawa ng kahit sino ng kanilang story at taos puso nila itong binabahagi sa iba.
Pero...
Kadalasan ang nagaganap ay sadyang nakakaloka!
Ang iba wagas wagasan kung i-share ang story nila!
Simulan natin sa pag share nila ng story nila sa status.
Magugulat ka ang status nila ay ang bago nilang story na napublish na. Ang nakakaloka lang... Paulit ulit nila itong iistatus.
*
Yung iba naman may ibang way para ishare ito. Medyo nag level up to...
Para makahakot ng readers...
Idadaan sa pag share ng link ng story tas pupunta sa mb mo. Lalawit sa notif mo akala mo may new follower ka at excited ka pang tignan. Syempre akala mo kung ano ang nasa notif mo yun pla may nag post lang pala sa mb mo ng link ng story nila. -___-Kaloka! Wala manlang pasintabi yung iba! Kung makapagpost! Mb mo mb mo?! Chenelasin kita eh! Hahahaha joke lang po.
At ang nakakaloka pa sa lahat... Nag post na nga ng link ng story niya sa mb mo. Tinodo pa niya ng tinodo ang pag sheshare ng story niya!!
Aba gusto pang ipa VOTE AT MAGCOMMENT daw, every chapters!!!!!
Kalosyang yung mga ganun mga dre. Naiinis pa ako dahil paulit ulit. Pag di mo naman binasa or vinote ang chapters ng story nila. Nyeta ikaw pa masasabihang SNOB!
Aroyko! If you really want to have a reader... Suggest ko... Sumali ka sa mga clubs dyan na inaalok. There's a chance na mabasa ng iba ang story mo :) may chance na madiscover ang gawa mo. Hindi mo kailangang mambulabog sa mb ng iba at kulitin sila na basahin ang story mo! INDAY DODONG! Hindi ka nag iisa!
At sa lahat ng nakakastress na gawain ng ibang wattpad users na gustong ipabasa ang story nila ay mag pepersonal message pa sa iyo.
LINTEK NA PERSONAL MESSAGE!! Idadaan ka nila sa madramang paraan at nakaka ewan na paraan para lang ipabasa nila ang story nila.
Yung tipong....
Pabasa nman ng story ko. Pa vote at comment narin. Wala kasi ako reader eh.
Ganyan! Hindi naman masamang mang pm at magpabasa ng story. Eh kaso kung wala namang modo ang way mo sa pag utos mo at hindi reasonable kung bakit nagpapabasa ka eh talon ka na sa tulay sabay sigaw ng DARNA!!!
Ang pinaglalaban ko lang dito...
Hindi namn sa masama o mali ang pagsheshare ng story mo sa iba. Actually isa yan sa paraan para makahakot ng readers. Pero dapat nasa ayos naman. Uso mag hello or goodmorning goodafternoon tapos sabayan mo ng paghingi ng permission na kung pwede mag post ng link ng story mo sa mb niya. Pwede rin naman sa kany mo pabasa wag ka lang abusado. Enough na yung na ibahagi mo sa iba na may story ka at shinare mo ito.Wala ka na magagawa kung ayaw nila basahin ang story mo. Wait ka lang madidiscover din yan.
At isa pa, hindi ko ibigsabihin na itigil nyo ang pagsheshare ng link or story niyo sa mb nila ah!! What I mean is hingi permission bago post. Dapat magalang at hindi yung sige ka lang dyan s pag post ng link ng story mo sa mb ng iba tas gora ka na.
Day!! Kabastusan para sa iba yun!
Kaya ikaw! Bago ka mag post or share ngstory mo sa iba. AYUSIN MO!! Yung maayos na paghingi ng tulong or utos na may kasamang galang. Alam mo na yung ibig kong sabihin. Malaki ka na. Hinay hinay sa pagpapabasa ah.
Hindi naman sa bastos na yung pag post ng link ng story mo sa mb nila. Basta ayusin lang. Marami kasing naiinis sa ganyan. ;)
Lintek, ang konti ng reads netong work ko. I-spread nyo nga! HAHAHAHA! Joke! labyuu mga nagbabasa netoo! <3
No offense. Just saying. Hope this work will not make you down or something. Please, don't take it so serious. If you think that this chapter is nonsense and offensive. You can pm me and let's talk bout it. ;)
Thanks for reading. Hope this is helping you, not hurting you.
PEACE ^_____^V

BINABASA MO ANG
Yung Mga WATTPAD USERS Na...
De TodoMga opinion, Mga napapansin at mga nais ko lang iparating sa lahat ng mga WATTPAD USERS.