Chapter 3

140 3 1
                                    

Jasmine's POV

"You should be" biglang sabi niya kaya napatingin ako kung sino siya.

Oh sht. Just great. I'm in trouble now. 

"So, Ikaw pala Mr. Villaruz. Dapat pala hindi na ako nagsorry. Bagay lang sayo yan."

Pagtataray ko sa kanya. Tinaasan naman niya ako ng kilay. 

"Ikaw na nga tong may kasalanan Ms. Masungit tapos ikaw pang may gana magalit?"

Agad agad naman napunta sa amin ang attention ng mga tao. Medyo kinabahan na rin ako. Panigurado madami nanaman mambabash sakin dahil sa mokong na to.

"JAAAS!!" Sigaw ni Althea sabay hila sakin.

"Seth pagpasensyahan mo na to si Jas may sumpong eh." pagsosorry naman niya dun sa mokong.

"Tara na nga" Sabay ko hila sa kanya. Buti nalang dumating siya.

Lumabas kami agad dahil ayaw nga namin magkaroon ng malaking issue.

"ANO KA BA NAMAN JAS?! Kayo pa naman ang bagong love team na iintroduce tapos makikitang nag-aaway kayo sa labas. Paano na career mo?" dada naman ni Althea.

"Eh ang yabang naman kasi talaga nun eh. Kasalanan ko bang tanga siya?" depensa ko naman

"Para sayo naman to eh. Di naman ako magagalit kung wala kang mali. Tandaan mo manager mo rin ako."

"Oo na. Sorry na di na ako gagawa ng eksena sa susunod."

"Mabuti. Dapat makita ng mga tao na sweet kayo. Paano papatok ang movie niyo kung makita nilang ganon kayo? Paano kayo ishiship ng mga tao?" 

"Oo na. Pagtiyatiyagaan ko nga po yung lalaking yun." sagot ko

"Wow naman. Nahiya ako sayo ang gwapo na nga nun. Ang hot pa. Nagkakandarapa pa ang iba dun tas ikaw pagtiyatiyagaan talaga ang word na gagamitin? Hahaha" 

Naku. Ayan nanaman yang pagpupuri niya sa lalaking yun.

"Eh kilala mo naman ako may pagka misandrist ako. To emphasize it AYAW KO SA LALAKI."

"Ang bitter mo naman besh. Kaya walang nagkakamaling manligaw sayo dahil sa taray mo. Hahaha" 

"FYI madami ng nanligaw sadyang they're not the right guy for me. Ya know mataas standards ko." sagot ko naman.

"Tara na nga. Kumain nalang tayo. Treat ko na since di pa tayo nakakacelebrate sa pagiging leading lady mo." 

 "Mabuti pa nga." sagot ko sa pagyaya ni Althea.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Habang kumakain kami ni Althea eh bigla siyang tumahimik while she's scrolling through her phone.

"Besh, dali tignan mo to." pinakita niya sakin ang screen ng phone niya.

O.O nagulat ako sa nakita kong picture namin ni Seth kanina sa Cafe. With the caption na "How dare she shout at our Prince Seth? Who does she think she is?"

Aba, tama lang naman na sigawan ko yung kumag na yun. Napakayabang naman niya porket sikat. May pa "Prince" pa silang nalalaman. Ugh nakakaasar.

"Ano naman kung sinigawan ko siya? Ang OA naman ng fans niya." sabi ko kay Althea.

"HELLO? IMAGE ANG NAPAKAIMPORTANTE SA CAREER MO! Ngayon, paano papatok ang movie niyo kung ganyan ginagawa mo?"

Eh bakit pa kasi siya ang kailangan kong maging leading man. -________-

"Sorry na po. So ano na pwede kong gawin?" 

"Mag sorry ka sa kanya na madaming makakakita. Mas mabuti kung magiging sweet kayo para naman maging ka pani-paniwala ang magiging movie niyo."

HAY NAKU. Kelangan ko ba talaga to gawin? This isn't what I planned pero ito lang ang way to reach my dreams. Jas umayos ka na nga. Babaan ang pride pwede ba?

"Okay. But I don't know where to start and how. Kilala mo naman siya baka mas lalo lang ako mapahiya."

"Gawin mo nalang kesa dumami bashers mo. Tignan mo oh andami ng nagttweet about it and it's already trending. So better make a move." seryoso niyang sagot sakin

"Okay . I need to go and get some rest. I'll think about it."

Agad agad akong umuwi. This day is soooo tiring. I'm stressed with these bashers na fans lang naman ng so-called "PRINCE" Seth. 

Ang tanga mo naman kasi Jas at masyado kang naging mataray sa kanya at sa PUBLIC pa. Pwede naman kung kayo lang or sa set pero sa PUBLIC? Are you even thinking? 

Yan lang naman ang sabi ng subconscious ko. Kasalanan naman niya yun eh. Nagsorry na nga ako tapos ganon pa siya. Haaay nakuuu di ko na alam ano gagawin ko.

Maybe I should get some sleep and think about it tomorrow.

Humiga na ako ng biglang mag ring ang phone ko. Tinignan ko kaso di naka register ang number. Sinagot ko nalang.

'Hello? Sino to?' pagsagot ko.

'Meet me at Cafe Tatiana tomorrow. 9 am sharp.'sagot naman ng lalaki sa other line.

'Teka sino ba to?'nagtataka ako. Medyo familiar ang boses.

Bigla ba naman ako binabaan. Bastusan lang? Kanina pa ata ako inaasar ng mga tao sa paligid ko ah. Hanggang ngayon ba naman. 

Tinignan ko ulit phone ko and nakita ko may message. 

From: +639*********

This is Seth. Save my number.

O.O so siya  nga yung tumawag sakin. OMG ano naman kaya kelangan ng mokong na to? Gusto pang makipagmeet bukas. 

Makikipagkita na nga lang ako at dun nalang rin ako magsosorry. Good luck sakin bukas. 

Unwanted RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon