Hooking Up With My Brother-I Don't Want You To Go

572 4 1
                                    

"Manang, kelan po ba uuwi sila daddy?" tanong ko kay Manang Lourdes habang kumukuha ng inumin sa ref.

"Sa makalawa pa ata anak." sagot niya halos maluha-luha na siya nun nang dahil sa hinihiwa niyang sibuyas.

"Ganun po ba? Sayang naman di nila maabutan ang ballet recital ko." Laging wala sila mommy at daddy dahil busy sila sa negosyo. Mas matagal pa nga nilang nakakasama ang mga empleyado nila kesa sa sarili nilang anak. "Kung andito lang si kuya sigurado ako pupunta siya at susuportahan niya ako." dugtong ko.

May kapatid akong lalaki si kuya Ralph: mabait, gwapo, at mahal na mahal niya ako. 13 palang ako nang umalis siya papunta ng Amerika para mag-aral. Gusto ni daddy na doon siya mag-aral para masubaybayan niya ang pagpapatakbo ng kompanya sa Amerika dahil siya ang magmamana nito.

Ayaw naming magkahiwalay noon pero wala kaming magagawa dahil sa bahay na ito si daddy ang masusunod. Masakit man pero kailangan naming sundin.

---FLASHBACK---

(6 years ago)

"Ralph Gino, you will study in the States." binasag ni dad ang katahimikang bumabalot sa hapag kainan.

"What?" halos mabilaukan si kuya dahil sa pagkabigla sa sinabi ni dad.

"Don't make me repeat it, Ralph." banta ni dad.

"But why?"

"Because I say so."

"Dad this is unfair!" sabat ko.

"Stop it Audrey!" saway ni mommy.

"Mom don't tell me pati ikaw payag sa gusto ni daddy."

"The decision is made honey." sagot niya.

"This is unfair! I HATE YOU! I HATE YOU BOTH!." after kong sabihin yun tumakbo ako papalabas ng bahay. Takbo ako nang takbo hindi ko alam kung san ako pupunta basta ang alam ko ayaw ko silang makita. Napunta ako sa tapat ng malaking mangga kung saan kami lagi naglalaro ni kuya ng kasal-kasalan. Dito kami nangako na sabay naming aabutin ang mga pangarap namin, sabay kaming bubuo ng pamilya, at sabay kami tatanda. "Iiwan na nila ako... Lahat sila! Ako nalang magisa."

"Diba sabi ko sayo di kita iiwan...di ka ba sakin naniniwala?" yumakap siya sakin mula sa likod.

"P-pero k-k-kuya kung a-ano gusto ni d-daddy ang masusunod." sabi ko habang humihikbi, iniharap niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Tatakas tayo...naaalala mo ba yung tree house?" dinala ako dun ni kuya nung 10th birthday ko..ang hideout namin. Kami lang dalawa ang nakakaalam nun kahit si yaya hindi yun alam. "Dun muna tayo titira hanggang sa marealize ni dad na mali ang desisyon niya na pagaralin ako sa States."

"Sige kuya basta kasama kita hindi ako natatakot." hindi ako takot kapag siya ang kasama ko kasi alam ko ipagtatanggol niya ako kahit kanino: mapatao man o multo.

*tree house*

"Alam mo ba na isang artist ang may-ari nito. Isa siyang magaling na painter, pinagawa niya to para maging studio para sa mga paintings nya." ngayon lang naikwento ni kuya ang story tungkol dito sa hideout namin. "Nagbenta siya ng mga paintings sa tapat ng school nang makita ko siya, mahilig din ako sa painting kaya siguro nagkasundo kami at dinala niya ako dito. Sabi niya special daw tong place na to kasi dito sya nagtapat at sinagot ng first love nya. Nagpakasal sila kaya lang nang magmigrate sila sa Canada bibilin nya to sakin kasi binigyan sya ng isang company ng work. Sabi nga nya ingatan ko daw to at alagaan na parang totoong bahay."

"Ang sweet naman nila." sabi ko habang tinitingnan ang mga paintings na nakasabit sa mga gilid ng tree house. "Ah kuya, anong oras na?"

"6:36 na, bakit?"

Hooking Up With My Brother?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon