CHAPTER 3

28 6 0
                                    

CHAPTER 3

“Ughh…” Ungol ko nang makaramdam ng sakit ng ulo.

“See?? He’s awake! I didn't kill him!” rinig kong sigaw ni Miles. Napakunot ang noo ko at pilit na inaalala ang nangyari kanina.

“You almost did!” Sagot naman ni Nico. Minulat ko ang mata ko at ang unang napansin ko ay nasa loob ako ng isang umaandar na sasakyan.

“Wha-what the hell??” Nalilitong tanong ko sa sarili ko.

“Ayos ka lang ba, Tim?” Narinig kong tanong ni Lucas. Nilingon ko siya at nagulat nang makitang sa tabi ko lang pala siya at binabasa ang notebook kanina.

“Wh-what happened?” tanong kong muli.

“Miles almost killed you.” Blangkong sagot ni Lucas.

Killed???

Mabilis na lumingon si Miles mula sa front seat at napasinghap. “I did not!” Kontra niya sa sinabi ng bata. “Look at him! He’s not worthy of eternal peace!” Turo nito sa akin na naka-upo sa likod ng sasakyan. Padabog pa itong umupo ng maayos at pinag-krus ang mga braso. Si Nico na nasa driver’s seat ay napa-iling na lamang sa sagot ng nobya.

“Can anybody tell me why am I suddenly in a freaking car!!!” bulyaw ko sa lahat pero maski isa sa kanila ay hindi man lang natinag sa reaksyon ko.

“Mabuti pang ipaliwanag mo na sa kaniya Lucas. Hindi niya kakayanin kung bibiglain natin siya.” Sabat ni Nico. Bumuntong-hininga naman si Lucas at binaba ang kwaderno sa kaniyang hita. Humarap ito sa akin at saka nagsalita.

“May kumuha kay ate.” Kumuha?

“Teka! Teka! Teka! Kumuha??? Akala ko ba nawawala?” Hindi ba’t sabi niya, Pen’s lost? Ano ba talagang nangyayari???

“Mangako kang tutuparin mo ang simpleng kasunduan natin.” Saad niya. Naramdaman ko ang pagkaseryoso sa kaniyang tinig. Hindi ganito si Lucas. Dati isa lang siyang binatang natural na pasaway at madaldal. Naalala ko pa nga kung pano niya ko asarin. Tawag niya pa sa akin no’n ay Kuya. Pero kabigla-bigla ang laki ng pagbabago nito nang dahil sa pagkawala ng kaniyang kapatid. Simula no’n ay nagbago ang pakikitungo niya sa amin. Sa akin. Simula din no’n ay Tim na lang ang tawag niya sa akin. Kaya sa hindi malamang dahilan, napatango na lamang ako. Habang umaandar ang sasakyan ay nagsimula siyang magpaliwanag.

“Do you remember the last time you saw her?” tanong ni Lucas. Natigilan naman ako ng maalala ang sinasabi niya. “The night you left her.” Natahimik ang lahat. Tanging ang tunog ng aircon at ang makina ng umaandar na sasakyan ang maririnig. Bumigat ang dibdib ko. Napansin kong humigpit ang kapit ni Nico sa manibela. Si Miles naman ay isinaksak ang earphones sa kaniyang tenga at sinandal ang ulo sa bintana. Alam kong ayaw na niyang marinig pa ang anumang makakapagpaalala sa kaniya kay Pen. Napayuko ako. Naramdaman ni Lucas na nagiba ang ihip ng hangin kaya nagtuloy siya sa pagsasalita. “Invited ka sa isang party at napilitang pasamahin si Pen. But after a few shots, you got drunk and decided to go. She begged you to let her come.” Napalunok ako. “But you still left her there. In the middle of the night. All by herself. She waited for you for hours when you left her. Pero hindi mo siya binalikan.” Blangkong saad ni Lucas. Naikuyom ko ang mga kamay ko nang maramdaman kong mas lalong bumigat ang dibdib ko.

“May kumuha sa kaniya, Tim.” Nakuha niyang muli ang atensyon ko kaya inangat ko ang paningin ko sa kaniya. “Tama ang suspetya ng mga authorities. Kidnapping nga talaga ang nangyari. Pero hindi ito basta-bastang kidnapping…” Kumunot ang noo ko. “Galing sa ibang dimension ang mga kumuha kay ate.” Mas lalo naming kumunot ang noo ko at muntikan nang matawa pero sa segundong iyon ay naalala ko ang kasunduan naming dalawa—na maniniwala ako sa anumang sasabihin niya. Kaya hindi na ako nagsalita. Nang mapansin iyon ni Lucas ay napatango ito nang marahan at nagtuloy sa pagsasalita. “Hindi kami galing sa mundo niyo Tim. We are from another world. A world where war is the only way para magkaroon ng peace. Doon kami pinanganak. Pero hindi rin nagtagal nang lisanin namin iyon dahil sa kasalukuyang nagaganap na paglalaban ng dalawang kaharian. Ang isa sa dalawa ay pinamumunuan ng aming Ama. Ang isa naman ay pinamumunuan ng isang hari na nag ngangalang Klori. He serves the darkness. He doesn’t show mercy in any kind and he kills anyone who even try to disobey him. My father tried to save our kingdom from harm but he ended up dying. Habang nasusunog ang kaharian namin ay pasikretong nilagay naman kami ng aming Ina sa isang vessel at nagsend ng distress signal sa kahit anong dimensyon. Iyon ang naging daan upang makaligtas kami ni Pen at makarating dito sa mundo niyo.” Mahabang paliwanag niya.

PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon