CHAPTER 2

28 8 0
                                    

CHAPTER 2

“We know where she is.”

Natigilan ako’t natahimik. My hands are literally shaking. Nanlaki ang mata ko. “Wh-what?” Oh god.

Napatakip ako ng bibig. Hindi ko maintindihan. P-paano? Paano nila ‘to nalaman?

“Lucas found some clues in his sister’s room. We think she’s lost.” Paliwanag niya.

Napatayo ako ng dahan-dahan. Nagsimula akong maglakad pabalik-balik sa parehong direksyon at napatakip sa bibig ko.

What the—...

Hindi nagsisink in sa utak ko ang narinig ko sa kaniya. “W-what?”  Napatayo na rin si Nico nang mapansin na naghahyper ventilate ako. Hindi ako makahinga. Hindi… Hindi ko alam kung bakit masaya ako at kinakabahan at the same time.

“L-lost?” Nilingon ko si Nico. “Wh-what do you mean?”

“Dude you have to calm down for a sec, okay? She’s okay. She’s okay. There’s nothing to worry about.”

He rubbed my back gently pero hindi man lamang nito naibsan ang sakit sa dibdib ko kaya nilayo ko ang kamay niya. Nahihirapan akong huminga. Si Pen.

“W-where is she?” Mabilis na tanong ko at hinarap si Nico. “Where’s Pen?!” Tanong ko ulit at hinawakan ang balikat ni Nico. “We have to find her! Please tell me where she is…” Mangiyakngiyak na pakiusap ko. Humahapdi na ang mata ko at nanlalabo. Naninikip ang dibdib ko tuwing maiisip kong hindi ko na siya mahahanap.

“Dude hinaan mo ang boses mo! Hindi ito pwedeng malaman ni Manang! You know she won’t approve of this, right? Isusumbong ka pa niya sa lolo mo.” Bulong nito. Dinala niya ako sa sala’t pinaupo dito. Pumunta naman agad siya sa kusina at kinuha ako ng maiinom. “Drink.” Sinunod ko ang sinabi niya. Nanginginig ang mga kamay ko nang maubos ko ang laman ng baso.

“Where is she?” Tanong ko agad nang mailapag ko ang baso sa center table.

“So sasama ka na?” Tanong niya naman. Tumango agad ako. “Are you sure?” Tanong niyang muli.

“Yes. So please tell me.” Pakiusap ko clasping both my hands together. Bumuntong hininga naman ito.

“Let’s wait for Miles and Lucas to come over before I tell you.” Sagot niya at tumalikod. Kinuha niya ang kaniyang phone at nagdial dito.

“What?! Why?!” Pinagtitripan niya ba ako?!

“Baka hindi ka maniwala kapag ako nagsabi sayo eh.” Sagot niya nang hindi ako nililingon.

Napasabunot naman ako sa buhok ko nang marinig ang sagot niya. “Nico?! What the hell?!” Pabulong na saad ko.

“Calm down. Tss… Kulang ka talaga ng patience.” Pangaasar nito.

At talagang nagawa niya pang mambwiset sa sitwasyon na ‘to?? Kung kelan malapit ko na malaman saka niya ko bibitinin ng impormasyon?? Laro lang ba ‘to para sa kaniya? Pinagtitiripan lang yata ako ng mga gagong ‘to eh para makaganti sa nagawa ko kay Pen!

“Babe. He’s in… Yeah… He won’t.” Napalingon siya sa kinauupuan ko na seryoso ang mukha. “I will… Tell Lucas to bring the notebook.” Huling sabi niya bago binaba ang kaniyang phone.

“Nico.” Tawag ko dito. Hindi naman ito lumingon at nagtype lamang sa phone niya. Kung pinagtitripan niyo ako, huwag niyo na ituloy dahil hindi magandang biro ito.” Dagdag ko pa. “Hindi niyo alam kung gaano kasakit para sa akin na mawala si Pen kaya hindi niyo na kailangan dagdagan ang sakit sa dibdib ko.”

PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon