Chapter 6

14 5 0
                                    

“They're here.” saad ni Lucas.

Holy Crap. Andito na sila..

“Everybody get in the plane.” Anunsyo ni Lucas bago bumalik sa sasakyan namin kanina.

Di ako maka-galaw sa kinatatayuan ko at ganoon din si Miles. Pareho lamang kami nakatitig sa makapal na usok na umaangat mula sa pagsabog.

“I said get inside!” sigaw na ni Lucas nang di pa rin kami gumagalaw. Nilingon ko siya at sakto namang ibinigay niya sa akin ang bag niya at tinulak ako. “Go!” tinuro niya pa ang entrance ng plane.

“Wait! Si Nico!” sigaw ni Miles at dali-daling lumapit sa sasakyan upang gisingin sana ang nobyo pero pinigilan siya ni Lucas.

“Ako na. Pumasok na kayo.” Saad niya at ganoon nga ang ginawa namin ni Miles ngunit nanatili sa labas ang lalaki.

Pumasok ako sa loob ng plane at nilagay ang bag ni Lucas sa unang seat na nakita ko. Bumalik ako sa entrance ng plane kung saan nakatayo si Miles at sinulyapan si Lucas. Gising na si Nico at dala-dala nito ang ilang gamit namin mula sa sasakyan.

Pagkatapos lamang ng halos sampung segundo, may sumunod ulit na pagsabog ngunit malapit na dahil nagsiliparan ang mga punong kahoy mula sa dinaanan ng sasakyan namin kanina. Agad naman akong na-palingon doon at nagulat ako sa sumunod na nangyari. May lumabas na isang itim na van mula sa pagsabog at mabilis itong umaandar patungo sa plane.

“Lucas! Nico! Bilisan niyo!” sigaw ko sa kanila Lucas.

“Damn it!” sigaw ng lalaki at pumasok na sa plane. “Papasukin mo na yang mga kaibigan mo dahil hindi ko sila hihintayin! Papaliparin ko ito, with or without them!” saad nito. Natakot ako sa sinabi niya.

“You can't do that!” sigaw ni Miles.

Kaya lumabas na ako ng plane upang tulungan sila Nico at Lucas. Nang makalapit ako sa sasakyan, kinausap ko si Lucas.

“Lucas, we have to go! Andito na sila!” Saad ko at tinuro ang kinaroroonan ng itim na van. Liningon naman ito ni Lucas at dali-daling ibinigay sa akin ang duffle bag at tinulak ako.

“Nico! Pumasok na kayo!” sigaw ni Lucas at nagsimulang maglakad...

Patungo sa itim na van.

“Lucas nababaliw ka na ba?! Tara na!” sigaw ko dito pero parang wala itong nadinig at dire-diretso lang. “Lucas!” tawag kong muli.

“Tim, let's go!” sigaw sa akin ni Nico at hinila ako pabalik sa plane.

“Si Lucas!” sigaw ko sa kaniya nang makapasok kami sa plane.

“He can take care of himself kid! Trust me!” saad ng lalaki. Nilingon ko naman ito at nakaupo ito sa cockpit at mukhang papaliparin na ang plane.

“Are you kidding?! He's just a kid!” sigaw ko dito.

Natatawa naman itong napalingon sa akin. “Does he know?” tanong nito nang nakatingin pa rin ang mata sa akin.

“Still on the process.” sagot ni Nico mula sa likod ko.

“Oh. So I guess this is all new to you, huh?” tanong nito at binalikang tingin sa mga buttons sa sa harap niya at nagsimulang pindutin ang ilan sa mga ito. “Well, do me a favor and don't puke while you're processing all this.” saad nito at may itinaas na switch. Sakto namang nagstart ang plane.

Dali-dali akong sumilip sa bintana upang makita si Lucas.

Nakita ko naman siyang pormal na nakatauo sa gitna ng feild, di kalayuan sa plane. Nagstop na ang itim na van, at nagsilabasan mula dito ang mga nakasuit na lalaking may dalang baril na mabilis naitutok kay Lucas.

PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon