CHAPTER 4

21 8 0
                                    

CHAPTER 4

“Good morning…” says a tiny voice near my ear. Kaya marahan kong ibinuka ang mata ko at una kong nakita ang white sheet na nakabalot sa katawan ko. Nakakasilaw ang brightness ng paligid kaya ipinikit ko muli ang mata ko. Napahilamos ako at ibinuka muli ang mga ito. White pillows. White drawer . White lampshade. White walls.  “Good morning…” Napalingon ako bigla sa likuran ko nang may bumulong muli sa tenga ko. It sent shivers down my spine. Pero mas nagulat ako sa bumungad sa akin.

Pen… It’s my Pen.

Gumalaw ako para sana tumalikod at yakapin siya pero sumagi sa isip ko ang nangyayari ngayon. Nanghina ako nang maintindihan na hindi totoo ang nakikita ko ngayon.

Panaginip…

Nahiga muli ako nang maalala ang realidad. Hinarap ang puting kisame at ipinikit ang mga mata.

“You’re not real are you?” tanong ko sa kaniya nang nakapikit pa rin. I’m scared I’ll cry if I open them again. Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

“Yes.” Sagot niya. Naramdaman ko naming humapdi ang ilong ko at sumakit ang ulo. Naiiyak ako. Ganito ba ko kadesperado na mahanap ka?

“Maybe?” tanong niya at tumawa. Binuka ko ang mata ko sa sagot niya.

Para saan ang sinabi niya? Sa tanong ko kanina o… sa tanong mula sa isip ko?

“Both?” natatawang saad niya kaya tuluyan na akong napalingon sa kaniya.

And there it was. The smile I’ve been searching for for months. Nasilayan ko na muli ang mga ngiting nais kong makita araw-araw. Lumabo ang mga mata ko. Nalimutan kong mabigla sa sagot niya sa tanong ko na galing lamang sa aking isipan.  I miss her—saad ko sa isip ko at itinaas ang kamay upang abutin at haplosin ang kaniyang pisngi. But I stopped midway. Natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala siya o biglang magising ako sa panaginip na ‘to kapag dumikit ang balat ko sa kaniya. Unti-unti nang bumababa ang kamay ko pero nabigla ako nang hablutin niya ito hinila dahilan para mapa-upo ako at mapalapit pa sa kaniya.

My breath hitched as I noticed how small the space between us was. I looked into her eyes as she looked into mine. Saka ko lang napansin na hindi kumpletong black ang mga mata niya. Hindi ko alam kung dala lang ito ng panaginip o totoo talaga na may patterns ang iris. Hindi lang ito mapapansin kapag malyuan dahil dark talaga. Napasinghap ako nang idikit niya ang noo niya sa noo ko nang hindi nagbbreak ang eyecontact namin.

“I miss you more..” saad niya kaya hindi ko na pigilang gumalaw at humiwalay sa pagkakadikit ng noo naming dalawa. Did she just—did she j—pero hindi niya ako pinatapos at nagsalita agad. “I’m sorry I never told you about any of this… I am so sorry. saad niya nang hindi nagsasalita.Ginagamit niya yata ang kakayahan niya. Namumuo na ang luha sa kaniyang mga mata. Nanghinayang ako at muli nanamang nagsariling gumalaw ang katawan ko at yinakap siya. Naramdaman ko naman ang paghikbi niya kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko. “I am so sorry…” muling saad niya pero nagsalita na siya ngayon. Hinarap niya ako at hinawakan ang aking mga kamay. “Ku-kung sinabi ko lang sayo… ku-kung sinabi ko lang sana sa-y-yo, edi sana hindi k-ka mak-kakasama dito. Ku-kung p-pinigilan ko lang s-sanang luampit sayo san-na hindi ka nasasaktan n-ng ga-ganito.” saad niya at umiling. “ S-sana s-sinun-nod na lang kita. S-sana h-hindi na lang talag-ga ako sumama. I-I am so so sorry..” umiling siya muli at napayuko.

Tumulo ang isang luha mula sa mata ko pero napakunot naman ang noo ko. P-pano niya nalalaman ang nangyayari??? Panaginip lang ba t-talaga to??

“H-how did y-you know?” tanong ko sa kaniya. Itinaas niya ang paningin niya sa akin at nasaktan ako sa nakikita ko pero kailangan ko malaman ang totoo. “A-are you real?” tanong ko muli at ako naman ang napa-iyak. Ngumiti siya. Kasabay non ang pagtulo ng isa na namang luha mula sa mata niya. Oh god… t-totoo? Bago pa man ako makapagsalitang muli ay lumingon siya ng mabilis. Nagulat naman akosa ginawa niya. Sinilip ko ang mukha niya at natakot sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Nakakunot ang kaniyang noo at matalim ang tingin. Sinubukan kong hanapin ang tinitignan niya pero it doesn’t make sense dahil sa wall lang naman ang tinitignan niya. Mas natakot ako nang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. “P-pen. Wh-what’s wrong?” Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay mabilis niyang inilagay ang kaniyang  daliri sa tapat ng kaniyang labi kaya natahimik ako at kinabahan. A-anong p-problema?... Ka-kailangan ko malaman kung t-totoo ito!

PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon