Your POV
Yoongi: Pards!
Ako: Ano?
Yoongi: Nililigawan ka ba ni Taehyung?
Ako: ha?
Yoongi: Bingi ka? Ano gandang lahi niyo lang pero may kapansanan.
Ako: Para kasing baliw to magtanong.
Yoongi: Ano nga! Nililigawan ka ba ni Taehyung?
Ako: Hindi.
Yoongi: Weh?
Ako: Tatanong ka tapos ayaw mo maniwala?
Yoongi: May nagsabi lang kasi sakin.
Ako: So? Naniwala ka naman?
Yoongi: kaya nga nagtatanong sayo diba.
Kahit kelan talaga ang ingay ng bibig nitong si Yoongi. Alam mo yung minsan na nga lang magsalita, pero pag nagsalita naman sobrang ingay. 😑
Yoongi: San ba kapatid mo at di ka sinamahan pauwi?
Ako: Lumaboy. Kasama sina JK.
Yoongi: Pasalamat ka pards may practice game ako kanina at nasabayan kita pag uwi.
Ako: Ayie, mahal niya ko.
Yoongi: Ang masaklap na katotohanan.
Ako: Grabe ka!
Yoongi: Libre mo ko ice cream!
Ako: meron sa bahay.
Yoongi: Sige tara.
Sabay hatak niya sakin at tumakbo kami papasok sa gate ng bahay ko.
Ako si Kim Y/N. Kapatid ko si Jin. Half brother, actually. Kaya magkaklase kami. Bestfriend ko si Yoongi. Mga 4 years na din. Sa lahat ng kaibigan ko, pinakapinagkakatiwalaan ni Jin oppa si Yoongi.
Crush niya kasi. Charot. Close din kasi sila. Minsan nakikitulog pa samin yung Sukang Puting yun.
Habang kumakain kami ni Yoongi ng ice cream ibinalik na naman niya ang usapan tungkol kay Taehyung.
Yoongi: Ano mo si Taehyung?
Ako: Kaibigan.
Yoongi: Sino mas gusto mong maging kaibigan samin?
Ako: Siya.
Binatukan ako ni Yoongibat kitang kita ko ang inis sa mukha niya.
Ako: Aray ha. Mapanakit ha.
Yoongi: Kunwari pang ayaw kay Taehyung gusto naman pala.
Ako: Baliw! Hindi ah.
Yoongi: Seryoso na, pag nanligaw ba yun sayo sasagutin mo?
Ako: Baka.
Yoongi: Eeeeeh! Wag ka dun!
Ako: Bakit ba?
Yoongi: Para ka lang magiging ate nun. Isip bata kaya yun.
Ako: Wapakels.
Yoongi: Ay nako. Sinasabihan ka lang eh.
Ako: Oo na.
Matapos namin kumain ng ice cream eh umalis na siya. Eat and run ang loko.
Maya maya lang ay dumating na si Jin oppa.
Jin: Sissy!
Ako: San ka naman galing?
Jin: Mommy? Ikaw ba yan?
Ako: Tss.
Jin: Nagsamgyupsal kami. Kasama ko sina JK diba.
Ako: Kasama niyo si Taehyung?
Jin: Oo.
Ako: Kaya pala.
Jin: Hinatid ka ba ni Yoongi?
Ako: Oo.
Jin: Buti naman. Ibinilin kita eh. Ang tagal kasi niyang meeting ng drama club mo. Kaya naiwan na kita.
Ako: Keri lang.
Jin: Di ka galit sakin?
Ako: Syempre naman. Kasi alam kong ililibre mo ko!
Jin: Sige na nga.
Ako: Yey!!
Jin: Kamusta pala meeting?
Ako: Okay naman. Wala pa naman kaming practice.
Jin: Naannounce na yung roles niyo?
Ako: Yas oppa.
Jin: Ano role mo?
Ako: Juliet.
Jin: Di nga?
Ako: Oo nga.
Jin: Sino si Romeo?
Ako: Si Jimin.
Jin: Congrats sis ha. Galingan mo.
Buksan niya ang ref at alam kong hahanapin niya ang ice cream niya.
Tatakbo na sana ako paakyat sa kwarto ko pero---Jin: Y/N!!!!!!
Nginitian ko lang siya.
Jin: Naubos mo yun?!
Ako: Kinain namin ni Yoongi!
Jin: Dyan kayo magaling! Kaya bagay kayo eh.
At dun na nga ako natigilan. Ito naman kading heartue ko eh. Kapag nababanggit ni Jin oppa yun, titibok ng tibok ng mabilis si heartue.
Erase! Erase! Di magandang biro yun!