Yoongi's POV
Nung una sabi ko okay lang. kakayanin ko naman sigurong wala siya. Baka naman kasi pagkalipas ng ilang araw, magagawa ko na ulit tumawa o kahit ngumiti man lang. Pero hindi pala. isang buwan na ang nakalipas pero gabi gabi pading may luha sa mga mata ko.
Sa tuwing makikita ko ang bakanteng upan niya, paulit ulit na tumatatak sa isip ko na imposible nga siguro na maging kami. Kaya ngayon, iniwan niya ko. Para sa pangarap niya.
Pauwi na sana ako isang gabi ng makita ko si Jin. Malapit lang sa overpass, malayo ang tingin.
Ako: Bro.
Napatingin siya sakin.
Jin: Oh, ikaw pala.
Ako: Akala ko ba uuwi ka na.
Jin: Ayoko sa bahay, naaalala ko lang ang kapatid ko.
Sabay inom mula sa hawak niyang lata ng alak.
Jin: Biglaan kasi.
Ako: Bigla na lang nagsabi na aalis siya. Hindi man lang muna ako hinayaan maging parte ng buhay niya.
Jin: Matagal ka naman na niyang mahal eh. Ikaw lang 'tong bulag.
Ako: Natakot lang ako na baka pag umamin ako, masira ang pagkakaibigan namin.
Jin: Kaso ngayon, huli na ang lahat.
Hindi ko na napigilan ang pagluha ko.
Jin: Kung kayo talaga bro, babalik at babalik din kayo sa isa't isa.
Kami ba talaga ang itinadhana? O nag-iilusyon lang ako na pwede pa siyang mapasakin?
Your POV
Iniwan ko siya. Sinaktan ko siya. At pakiramdam ko may parte ng puso ang nawala mula noon. Akala ko magiging masaya ako. Natupad ko ang pangarap kong makapasok sa Juliard. Pero nawala naman sakin ang taong pinangarap ko.
Hindi na rin muna ako nagparamdam sa kanila. Ayokong maalala ang lahat. Alam kong nagtatampo sila pero wala akong magawa. Kahit ang limang buwan na pananatili dito sa New York ay hindi matumbasan ang saya na naramdaman ko noon.
Hindi kalayuan ang tinutuluyan kong dorm sa Juliard. Pero late na naman ako.
Abigail: Hey, y/n, you're late!
Ako: I'm sorry.
Craig: You've got a new seatmate.
Ako: Really?
Craig: He transferred. Just this week.
Ako: Oh.
At halos manlaki ang mata ko sa nakita kong papasok sa pinto.
Ako: Yoongi?
Abigail: You know him?
Dahan dahan siyang lumapit sakin habang nararamdaman ko ang pagtulo ng luha ko.
Craig: Seems like you guys have a lot to talk about. We'll give you sometime.
Umalis muna sina Abigail at Craig. at ngayon nasa harapan ko na si Yoongi.
Ako: anong ginagawa mo dito?
Yoongi: Hindi sapat na gwapo lang ako. dapat ginagamit ko din utak ko. kaya ito. magmumukmok pa ba ko kung pwede naman akong pumunta na lang dito.
Ako: Pero diba sabi mo sakin ayaw mong umalis ng Korea?
Yoongi: Pero para sayo, gagawin ko lahat makasama ka lang.
Agad ko siyang niyakap.
Yoongi: Sabi ng kapatid mo, kung tayo daw talaga para sa isa't isa, tadhana na daw ang gagawa ng paraan.
ako: Oo nga.
Yoongi: Eh ang bagal kumlos eh. Nainip ako. Kaya inunahan ko na.
AKo: Hindi ka na nagbago. Napaka-mainipin mo parin.
Yoongi: Ang mahal dito ha. Pakibayaran.
Ako: Bayaran?
Yoongi: Ng pagmamahal po. Pards, baka naman oh.
Ako: Oo na.
Yoongi: Sinasagot mo na ko?
Ako: ayaw mo?
Yoongi: Gusto. Pero pwede ba libre mo muna kong pagkain? Laki ng ginastos ko oh, wala kong pagkain.
Noong bata ako, natatandaan kong inilista ko ang lahat ng pangarap ko. Maging bida sa play, makapasok sa Juliard at marami pang iba. Hindi ko namalayan na sa paglaki ko at pagtanda, napalitan ang lahat ng yon ng isa lang. Si Yoongi.