Jin's POV
Hinanap namin ni Jimin ang kapatid ko. Alam ko namang hindi siya okay. Alam kong masakit sa kanya yun.
Alam ko din kung gaano siya nasaktan kay Yoongi. Syempre naman, ang tagal nilang magkaibigan noh. Napapansin ko din naman kung pano siya kiligin.
Akala siguro nila ni Taehyung di ko napapansin yun.
Jimin: Hyung, pasensya na. Wala akong nagawa.
I: Ayos lang.
Jimin: Pero hyung, pano si Y/N?
I: Alam kong ikakalungkot niya yan.
Jimin: Naaawa ako sa kanya hyung. Nakita ko kasi kung pano siya nagsikap para dun eh. Lagi kasing extra lang siya. O kaya supporting role. Kaya nga sobrang saya niya nung siya yung unang pinili eh.
I: Eh wala eh. May attitude yung kalaban eh.
Hanggang sa nadaan kami sa open field. Walang tao, kaya nagawa niyang isigaw ang sama ng loob niya. Lalapit na sana kami pero napansin kong palapit si Yoongi sa kanya. Kaya pinigilan ko si Jimin.
At pinanuod namin mula sa di kalayuan.Jimin: Hindi ba natin pupuntahan, hyung?
I: Hayaan mo si Yoongi.
Jimin: Pero hyung---
I: Siguro oras na para yung kapatid ko naman yung mapansin niya.
Your POV
Nasakin na, kinuha pa. Parang si Yoongi lang noh? Hay.
Bakit ba sakin pa nangyari to? Ako na lang ng ako ng nasasaktan. Di ba pwedeng si Yoongi naman?
Tumakbo ako palayo at nagpunta ako sa open field. Wala naman na kasing tao dun paghapon. Dun ako nagsisigaw. Hanggang sa mapagod ako. At dun ko din iniyak ang lahat.
Hanggang sa maramdaman kong may yumakap sakin.
Yoongi: Anong nangyari?
Natatandaan mo ba yung pakiramdam mo nung bata ka? Yung kapag nadapa ka, kahit iyak ka na ng iyak, pag dumating ang magulang mo, mas lalo ka lang iiyak?
Ganon yung naramdaman ko. Ni hindi ko masabi kay Yoongi ang lahat. Sa takot, at sa lungkot.
Yoongi: Sige lang. Iyak mo lang.
Maya maya lang ay nagring ang phone niya.
Yoongi: Jin?
Sinagot niya ang tawag at naupo da tabi ko.
Yoongi: Bro bakit? ... Ah oo ... Nakitw ko siya... Nandito sa open field... Umiiyak siya eh... Oo bro kasama ko pa. Hatid ko na lang... Sige bro, bye.
Tumayo si Yoongi at kinuha ang bag ko.
Yoongi: Tara na.
Tinignan ko lang siya.
Yoongi: Kahit wag mo na munang ikwento sakin. Alam kong di ka pa handang magsabi.
Oo, Yoongi. Hindi pa ko handang aminin sayo lahat. At mas lalong hindi ako handa na may iba pang mawala sakin.