Yoongi's POV
Matapos nung araw na yun, hindi na nagpakita samin si Suran. May mga sabi sabi na nag-drop out na daw. Para din naman sa ikabubuti ng lahat.
Pero sa sobrang lungkot ni y/n, alam kong maraming nagbago. Naiintindihan kong masakit ang nangyari. Alam kong gumuho ang mundo niya.
Sina Taehyung na ang ingay ingay, ayun, tahimik na din. Minsan kahit nakakainis, nakakamiss din pala. Akala ko okay na lahat, hindi pala.
Isang araw na pumasok ako, kahit late na ako, hindi ko nakita si y/n. Okay lang naman sakin yung kahit tahimik siya. Pero yung wala siya? Masakit eh.
Nilapitan ko si Taehyung at tinanong baka naman alam niya.
Taehyung: Ay, di daw papasok sabi ni Jin hyung eh.
Ako: Eh nasan nga si Jin?
Taehyung: Ayun, nasa office, kasama parents nila.
Ako: Bakit daw?
Taehyung: Di ko alam eh. Pero ang lungkot lungkot ni Jin hyung.
Ako: Sige, taetae ha, salamat.
Agad akong pumunta sa office at nasa pintuan palang ako, rinig na rinig ko na ang usapan.
Mrs. Kim: Alam niyo po, kahit hindi ko tunay na anak si y/n, nasaktan ako sa nangyari. Masakit na makita siya sa kalagayan niya ngayon.
Dean: Nabalitaan ko po, Mrs. Kim. Kamusta na si Y/N?
Mr. Kim: Kahit sinubukan niyang pumasok, ganon padin. Kahit kasama niya ang mga kaibigan niya, malungkot padin.
Mrs. Kim: And we're here to talk about our decision.
Teka ano ba to? Bakit kinakabahan ako.
Mr. Kim: We've decided na dalhin si Y/N sa New York.
New York?!
Mrs. Kim: In the same way, after ng therapy niya, she can go to Juliard* since her application got accepted.
Dean: Nakakalungkot man, I believe it's the best for her. I hope she'll get better. Kailan ba kayo aalis?
Mrs. Kim: This afternoon.
Hindi ko na pinatapos ang usapan at tumakbo na ako pabalik sa room para kunin ang gamit ko.
Jungkook: Hyung.
Ako: Bitawan mo ko, Jk.
Jungkook: Bakit ba kasi?
Ako: Pwede wag mo kong pigilan?!
Natahimik ang lahat sa pagsigaw ko. Pero umalis na lang ako. Kailangan ko magmadali. Kailangan ko maabutan si y/n. Kailangan ko siyang pigilan.
Halos walang dumadaan na cab. Matatagalan naman ako kapag maghihintay pa ako ng bus. Kaya tinakbo ko na lang.
Sa pagktakbo ko, ramdam na ramdam ko ang sakit na baka hindi ko na siya makita ulit. Kahit pagod na pagod na ko sa pagtakbo, sinikap kong kayanin.
Hangang sa makarating ako sa bahah nila. Agad akong pumasok at nakita ko siya, nasa garden habang nakaupo sa wheel chair niya. Nilapitan ko siya at tumayo sa harap niya.
Ako: Bakit di mo sinabi sakin?
Y/N: Kailangan mo pa bang malaman?
Ako: Pano ako? Pano na tayo?
Y/N: Wala namang tayo eh.
Ako: Hindi mo man lang ba hahayaan na maging parte ako nyang puso mo?
Y/N: Matagal na, Yoongi. Matagal na.
Ako: Pero bakit mo ko iiwan?
Y/N: Bakit? Hindi ba ko pwedeng lumayo?
Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang mukha niya.
Ako: Akala ko ba mahal mo ko.
Y/N: Mahal kita, Yoongi.
Ako: pero bakit ganito?
Y/N: Baka kasi hindi naman talaga tayo yung para sa isa't isa.
Niyakap ko siya ng mahigpit at rinig na rinig ko ang bawat pag hikbi niya.
Ako: Wag ganito, please. Sobra naman 'to.
Y/N: Sorry, Yoongi.
Dumating sina Jin at ang mga magulang nila.
Y/N: Oppa.
Jin: Hm?
Y/N: Paalisin mo na si Yoongi.
Ako: Y/N naman.
Y/N: Akala mo ba madali 'to sakin? Lalo mo lang akong pinahirapan sa pagpunta mo eh. Kaya umalis ka na! Hayaan mo na ko!