Ten

100 4 0
                                    


Yoongi POV

Sasadyain ko ba namang hindi ko mabati ang bestfriend ko? Sa tagal naming magkaibigan, isa lang naman ang hinihiling niya tuwing birthday niya.

At yun yung panda stuffed toy na lagi naminh nakikita pag nadadaan kami sa mall. Ang isip bata kasi. Bakit yun pa, eh ang dami namang pwedeng ibigay.

Pero binili ko din. 😑 Lumalaki na kasi yung atraso ko sa knya.

Nitong umaga lang, sinadya kong hindi siya batiin. At habang ang ingay ingay nilang nag aasaran ni Suran, nagpigil padin ako ng tawa.

Break time na kaya nagmadali yung magkapatid na bumaba. Akala mo talaga laging ginugutom eh. Pero bago humaba si Taehyung, nilapitan ko muna.

Taehyung: Oh hyung, bakit?

Ako: Eh pwede mo ba kong tulungan?

Taehyung: Hyung, wala kong ipon ngayon eh. Kain is life kasi.

Ako: May sinabi ba kong mangungutang ko?

Taehyung: Teka isipin ko.

Ako: Tss. Nagkmli ata ako ng kinausap.

Taehyung: Joke lang! Ano ba kasi yun?

Sinabi ko na nga ang plano ko kay Taehyung. Kinausap ko na din sina Hoseok para tulungan ako.

Your POV

Halos mag uuwian na, ni isang bati o ngiti mula kay Yoongi wala pa din. Para akong siopao! ASAdo! Grabe.

Habang may pa-seatwork ulit, nagdaldalan na naman kami ni Taehyung. Pero dahil Algebra to, natagalan ako.

Ang masaklap pa dun, pag tapos ka na, pwede ka na umalis. Bakit kasi hindi ako biniyayaan ng talino sa math eh!

Hanggang sa iilan na lang kaming natira sa room.

Taehyung: Sa wakas! Natapos din!

Ako: Buti ka pa.

Taehyung: Kopyahin mo na to. Tignan mo naiwan na tayo ng kuya mo at nina Jungkook.

Ako: Sorry na.

Tinapos ko agad ang seatwork na yun para makauwi na. Habang nag aayos ako ng gamit, biglaan na lang na my nagtakip sa mga mata ko.

Ako: Hoy!!!! Ano to?!!!

Pero hindi pa dun natpos, tinali pa ang mga braso ko.

Ako: Ay wow. Anong pakulo to?!

Inis na inis ako habang inalalayan ako pababa ng dalawang nagtali sakin. At sa boses nila, alam kong hindi ko sila kilala. Halos maiyak iyak ako sa takot.

Maya maya lang, naramdaman kong binitawan na nila ko. Pero wala kong marinig na kung ano sa paligid.

Ako: May tao ba dyan?

Walang sumagot. Edi ang galing! Ubos na ubos na ang pasensya ko.

Ng bigla kong marinig ang boses ni Jungkook

Jungkook: 🎶It's a beautiful life
nan neoye gyeote isseulge
It's a beautiful life
neoye dwie seo isseulge
Beautiful love
haneurarae neowa itdamyeon
sumswineun geotmaneurodo joha

Hala! Bakit ang assuming ko naman ata para isiping may pa-surprise sila para sakin.

Jungkook: 🎶It's a beautiful life
Beautiful day
neoye gieogeseo naega saltende
Beautiful life beautiful day
nae gyeoteseo meomulleojwo

Beautiful my love
Beautiful your heart
It's a beautiful life

Naramdaman kong may nag alis ng tali sa braso ko. At maya maya lang ay may nagtanggal na ng nakapiring sa mata ko.

Sakto namang pagdilat ko, nakita ko sina kuya. Nakangiti habang nakihilera malapit sakin.

Teka noh? Kulang sila. Anim lang. Wala si tamad.

Lalapit na sana ako kina Jin oppa pero halos tumalon ang puso ko ng makita ko si Yoongi na nagpalakad papalapit sakin.

Yoongi: Ano? Bakit nakatingin ka lang? Magtatampo ka pa ba?

Ako: Ang arte mo kasi.

Yoongi: Di ka kasi marunong maghintay!

Ako: Tamad ka kasi.

Inabot niya sakin ang pagkalaki laking regalo. At nakabalot pa talaga.

Yoongi: Buksan mo.

Sinira ko na yung wrapper at nakita kong ito yung panda stuffed toy na gustong gusto ko!

Ako: Pards!!!

Yoongi: Ano? Magtatampo ka pa?

Ako: Thank youuuuuu!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya.

At isa pa hindi ko inaasahan ng ibulong niya sa tenga ko ang mga salitang:

" 사랑해요"

Maybe The Best DreamWhere stories live. Discover now