Chapter 2

4 0 0
                                    

Maaga akong nagising at salamat naman at hindi na sumisigaw si nanay ngayon.

Ganun parin puno ng asaran ang bahay namin.

"Nay sabay na kayo sakin" sabi ko kay nanay na handa ng umalis papuntang paaralan.

"San ka ba pupunta?" Tanong ni Nanay saakin.

"Kina Mika po" tumango lang si nanay at nauna ng lumabas.

Pinuntahan ko muna si tatay sa bakery niya.

"Tatay alis muna ako" pagpapa alam ko.

"Mag ingat ka anak"

"Opo tatay" nagyakapan muna kami. "Kuya kulas alis na po ako" paalam ko sa katulong ni tatay sa negosyo niya.

Nang nakasakay na si nanay sa kotse ko. Agad ko itong pinatakbo at dahil matanda ang kasama ko kailangan kong bagalan ang pagmamaneho ko.

Malapit lapit lang naman ang paaralan na pinagtuturuan ni nanay.

Pinasok ko talaga sa loob ng paaralan ang kotse ko kasi alam kong late na si nanay at kailangan niya pang mag time in.

"Salamat anak mag ingat ka don"

"Ikaw din nay"





























































Malayo layo ang byahe ko papuntang syudad. At ng nakarating na ako sa bahay nila Mika pinagbuksan kaagad ako ng gate ng kasambahay nila.

"Sina tita marem po ate?" Tanong ko sa kasambahay nila.

"Ah nasa loob po pasok nalang po kayo" pahayag ng kasambahay nila kaya pumasok na ako. Pinuntahan ko kaagad ang salas nila ngunit wala doon si Tita Marem.

"GEEEOOOORRRGGGEEEE!!!!!" napalingon ako sa tumatawag saakin. Si Tita Marem na pababa na sa hagdanan nila. Ng nakababa na siya ng tuluyan sinugod niya kaagad ako ng yakap. "How are you?" Tanong ni Tita saakin.

"Eto po stress sa work" natatawang pahayag ko.

"Kaya pala di mo na ako binibisita" matampuhin talaga si Tita Marem tampo lang talaga ang sakit niya wala ng ibang echos sa kanya. Pero kapag nagalit na si Tita Marem yan punong puno na siya nyan. Minsan lang naman siya magalit kapag sobra na talaga.

Maagang na wala si Tito Marc daddy nila Mika at Marco. Tito Marc was a pilot at namatay ito dahil sa isang nakawan nanlaban kasi si tito kaya ayun pinatay sya.

"Pag di na po ako busy promise pupuntahan kita palagi dito at dito rin ako matutulog kapag di na busy" ngumiti si Tita Marem at niyakap uli ako.

"Asan po ba si Mika tita?" Tanong ko kay Tita. Papalapit na kami sa may sala uli.

"Sinundo ng boyfriend niya babalik din naman yun mamaya" tumango lang ako sa sinabi ni Tita.

agad namang lumapit saamin ang kasambahay nila Tita at may dalang pang meryenda.

"NAKAKATAWA NGA YUN HAHAA!!!"

Napalingon kami bigla sa may hagdanan pano ba naman kasi nagulat kami ng may parang sumigaw. Lakas naman ata ng boses.

"Manood tayo next time!"

At ng makita ko na ng klaro ang mga mukha nila.  Napatayo ako sa kina uupuan ko dahil nagulat ako. Nagkatinginan kami nila.

"ATE GEEOORRGGEE!!!" Sigaw ni Tunner pababa sa hagdanan.

"George!" Si Divon

"George!!!" Si Kristoff.

My Youthful ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon