Chapter 3

2 1 1
                                    

Pagkatapos ng pangyayari kanina. Nanghiram nalang ako ng damit kay Mika di ko na rin naabutan si Marco dahil nasa kanyang silid pa sya.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bag dahil e te text ko na sana si Mika. I open my phone at nag type kaagad sa e te text ko kay Mika e se send ko na sana ng napansin kong iba na ang pinangalan ko kay Mika sa phonebook bat naging Mika Delobyo To?!

Di ko na e send ang sasabihin ko kay Mika dahil tinignan ko ang Gallery baka kasi...

Impossible.

Kang Marco ang cellphone na to?!

Agad kong tinext ang number ko.

Ako:

Marco nagkapalit tayo ng cellphone.

Di ko inakalang ang bilis niyang mag reply.

Marco:

I know.

Yan lang ang ne reply niya sa akin.

Ako:

Magkita tayo as soon as possible andyan lahat ng kakailanganin ko sa trabaho.

Marco:

Don't worry ipapa alam ko kaagad sayo kapag may nag text.

Buti matino pala tong Marco na to. Di ko na sya ni replyan bumaba na rin ako dahil kakain na kami narinig ko na kasi ang sigaw ng Nanay.

"Upo ka na anak" si tatay na abala sa pag lagay ng mga kubyertos.

"KULAS! KAKAIN NA TAYO!" sigaw ni Nanay. Di ko pala nasabi na si Kuya Kulas ay pinsan ni Nanay sa side ng Mama niya habang pinsan naman ni Tatay sa side ng papa niya. At naging katulong ni tatay noon pa.

Agad namang pumasok si Kuya Kulas. Wala pa syang pamilya dahil di pa daw niya nakikita ang one great love niya. Ang oa din naman kasi ni Kuya Kulas maypa one great love one great love pa syang nalalaman.

At ang sarap ng ulam namin ngayon ang sinigang na isda ni nanay. Na miss ko to!

"Wow! Sarap naman nito nay!" Puri ko kay Nanay. Natatakam na talaga akong tikman.

"Eto pa anak" si tatay gumawa rin pala sya ng carbonara.

Na miss ko to! Na miss ko ang sinigang ni Nanay at lalo na ang Carbonara ni Tatay. Sa lahat kasi na natikman kong Carbonara kay tatay lang talaga ako nasarapan ewan ko ba kung bakit.

Pagkatapos naming mag pray panay na ang kain ko.

"Hinay hinay anak marami pang sinigang doon at Carbonara na gawa ng tatay mo" paalala ni Nanay saakin.

"Nakaka miss po kasi tong ganito wala po kasing ganito sa condo ko" binigyan naman ako ng tubig ni tatay.

"Pano ba naman kasi ang aga aga mong pumapasok sa trabaho at late ka ng umuwi" Sang ayon ako sa sinabi ni Nanay totoo naman kasi maaga talaga ako kasi may pinaghahandaan ngayon.

"Kaya pala ang payat payat mo na George" komento ni Kuya Kulas.

"Panay instant noodles at mga in can na pagkain lang ang kinakain mo. Marunong ka namang magluto anak minsan ipagluto mo ang sarili mo ng mga masustansyang pagkain" paalala ni tatay saakin. Panay nga ang sermon nila saakin nong binisita nila ako sa condo ko dahil sa mga unhealthy foods na kinakain ko.

"Tyaka nga pala anak uuwi ka na pala bukas" si Nanay.

"Bukas pa ng hapon nay" pagko correction ko kay nanay.

"Napagpasyahan namin ng tatay mo anak na magpapakain tayo dito at magpapalaro bukas" napatingin naman ako kay Kuya Kulas.

"Diba anniverssary ninyo ni Kuya bukas ate?" Panunuksong tanong ni Kuya Kulas na ikinangisi ko. Yan din kasi ang isa sa rason ko kung bakit ako nag leave for three days dahil gusto ko na every anniverssarry ng mga magulang ko ay andito ako.

My Youthful ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon