Reen's POV:
Mula nang makaalis si Darius ng Korea ay ibinuhos ko ang atensyon sa trabaho.
Hindi naman maitago ang pagbubuntis ko.
"Reen... Napapansin ko lately na matamlay ka.. Dahil ba kay Darius?" tanong ni Inha.
Napaunat ako mula sa pagkayuko sa filling cabinet at napatingin sa kanya..
Seryoso namang nakatingin si Sir Inha sa akin.
Kinabahan ako sa titig niya.
"S-sir... W-wala po.. Masama lang ang pakiramdam ko.." tanggi ko.
Tumango tango naman siya.
Ipinagpatuloy ko na ang paghahanap ng files na kailangan niya.
Matapos ko itong maiabot ay nagpaalam na akong lumabas ng opisina.
Napahugot ako ng malalim na buntong hininga nang makaupo ako.
Hinawakan ko ang picture frame na nasa tabi ng mesa.
"D... Mahal kita.." mahinang sambit ko habang hinaplos ang picture ni D.
Napahawak din ako sa tiyan ko.
Maimpis pa ito..
Pero ilang buwan lang ay mahahalata na ang pagbubuntis ko.
"Sana anak.. Balang araw ay magkikita tayong muli ng daddy mo.." mahinang usal ko.
Pumatak ang luha ko pero mabilis ko itong pinahid nang makitang paparating sina Madaam Yuri at Nicnic.
Tumayo ako kaagad at yumuko.
Ngingiti sana ako kay Monique pero napatigil ako nang makita ang pag-irap niya..
Deretso naman sila sa loob ng opisina ni Sir Inha.
Napahugot ako ng malalim na buntong hininga.
Kailangan ko na yatang umalis.
+++++
Darius POV:
Paglapag pa lang ng eroplano sa paliparan ng Pinas ay napahugot na ako ng malalim na hininga.
This is it Darius..
Magsisimula ka na ng panibago.
Kinuha ko ang dalang bag at nakisabay na sa hugos ng mga pasaherong bumaba ng eroplano.
"Darius Santiago right?" tanong ng isang lalaking naka black suit.
Napakunot noo ako.
"Yes..." sagot ko.
"Im Dante Shultz... Pinapasundo ka sa akin ni Phantom.. Halika na.." sabi nito at kinuha ang dala kong bag..
Nagtataka akong sumunod sa kanya.
Sino naman ang Phantom na iyon?
Wala naman akong kilala dito..
Sumakay kami sa isang itim na van.
Marami pala siyang kasamahan.
Kinabahan tuloy ako dahil pulos armado ang mga ito.
May kahabaan din ang binyahe namin bago namin narating ang pupuntahan.
Namangha ako sa lawak ng lupain na sakop ng mansion.
May sarili itong helipad at napakalaki din ng mansion.
Mas malaki pa kay Appa Inha..
"Dito tayo Darius." sambit ni Dante at iginiya ako paakyat sa second floor.
Pumasok kami sa isang silid at bumungad sa akin ang library.
"Welcome to the Philippines Darius.." sabi ng isang boses na nasa pinakadulo ng mahabang mesa.
Tumayo mula doon ang isang may edad na lalaki.
Napakunot noo ako habang nakatingin dito.
Tila nakita ko na siya..
"Ako si Phantom.. Nabalitaan ko ang pag-alis mo kay Inha kaya pinasundo kita kaagad. Tauhan ko ang iyong papa dati.." sambit nito.
Kung ganun ay isang leader ng mafia ang kaharap ko..
"Gusto mo bang magtrabaho sa akin?" tanong niya.
Bahagya akong nagulat.
Oo at isang mafia ang mga magulang ko pero hindi nila ako sinanay sa magulong mundo ng mga sindikato.
"Pero wala akong nalalaman sa pagiging isang mafia.." sagot ko.
Napahalakhak naman si Phantom.
"Wag kang mag-alala.. Matututunan mo rin iyon balang araw.. Sa ngayon oo lang ang hinihintay kong kasagutan." sabi naman niya.
Kung ganon, wala pala akong choice na tumanggi..
Nagtaas ako ng tinginat nakipagtitigan sa kanya.
"Hindi ako pwedeng tumanggi diba?" tanong ko.
Nagsmirk ako bago muling nagsalita.
"Kung ganoon, ay tatanggapin ko ang alok niyo.." dugtong ko.
Humalakhak ng malakas si Phantom..
Lumapit pa siya sa akin at tinapik ako sa balikat.
"Wala kang pagsisisihan bata.." sambit niya at nauna ng umalis sa lib.
Inihatid naman ako ni Dante sa magiging silid ko daw.
Mula noon ay sinanay ako sa lahat ng gawain ni Phantom.
Kasa kasama niya ako saan man siya magpunta.
Pinag-aral din niya ako.
Nakilala ko ang anak niyang si Yana at naging magkasundo kami.
Sa kanya ko naibaling ang pagmamahal ko kay Reen..
Si Reen.. Ang babaing nagwasak ng puso ko..
At si Aryana.. Siya ang nagpahilom ng mga sugat na ito.
++++++
A/N: sabaw na ud.. Dhie sorry... Nahiya ako sa ud nato.. Walang laman ang utak ko kundi IKAW...
Ang magpapatuloy nito.. Hahahaha...
Darius Santiago...
Mwahhh...
BINABASA MO ANG
Behind That Smile
General FictionILYMG Side Story. The Darius and Reen Couple.. How long the love can survive when everybody is against it? Can they succeed and be happy or they just have to bid goodbye.