Chapter 9: Surprise Attack

2.2K 54 8
  • Dedicated kay Lian Vena San Diego
                                    

Reen's POV:

Saglit akong napatulala sa tanong niya..

Sasabihin ko na ba talaga?

Parang di ko pa yata kaya.

"Reen... Naghihintay ako.." untag ni D sa akin.

Napabuntong hininga ako..

Okay.. This is it..

"Si Darrene..." panimula ko.

Napakunot noo naman siya sa pangalang binanggit ko.

Pero bago ko naituloy ang sasabihin ay biglang tumunog ang cellphone niya.

Nabaling ang atensyon niya doon at sinagot ang tawag.

Mukhang may problema kasi nakakunot noo pa siya.

"Okay... Pupunta ako.." huling sinabi niya at pinutol na ang tawag.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo.

"Lets go!" sabi niya.

"Teka! What?? Kasama ako?" naguguluhang tanong ko habang nakasunod sa kanyang mabilis na paghakbang palabas ng hotel.

"I have no time to explain.. Get in!" utos niya.

Sumakay naman ako..

Mabilis niyang minaniobra ang sasakyan paalis ng hotel.

Napakapit naman ako sa gilid sa bilis ng takbo namin.

"D dahan dahan naman!" sambit ko.

"Put your seatbelt.." utos niya uli.

Nanginginig naman ang kamay ko na ikinabit ang seatbelt.

Di ko halos maipasok ng tama.

Sobrang tense ang pakiramdam ko.

Hindi ko pa naranasang masali sa actual na labanan.

Oh my ghad!

"Aaahhh! Ddddd!!!!!" napatili ako nang may biglang bumangga sa sinasakyan naming kotse.

Naalog kami sa loob kaya napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt.

Napapikit naman ako sa nerbyos.

"Shit! Bakit nasundan niya kayo?" tila sarili lang ang kausap ni D.

"Sino bang kalaban D?" tanong ko.

"Traydor ng Jung... Si Appa yung tumawag.. Sabi niya dalhin kita sa kanya.." sagot niya na nakatutok pa din ang paningin sa kalsada.

Isang salpok na naman sa gilid kaya naalog kami.

Jung!? Si Sir Johnny!

Nalaman niya ang pagpunta namin dito?

Ohmyghad!

"D, si Darrene!" sigaw ko..

Labis ang pag-alala ko sa anak ko.

"Pwede bah wag mo muna siyang isipin!" singhal niya.

Naitikom ko ang bibig ko.

Lihim akong nasaktan sa sinabi niya.

Panay dasal ko na lamang na wag silang pumunta sa hotel.

Kung ilang beses kaming nakipagpatentiro sa mga sasakyan.

Paekis ekis ang takbo ng kotse habang sumusuot sa maliit na espasyo ng kalsada.

Nagkabuhol buhol tuloy ang ibang sasakyan sa pag-iwas na makabanggaan kami.

Behind That SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon