Reen's POV:
Pinilit kong aliwin si D sa kabila ng kalamigan niya sa akin.
Marahil hanggang ngayon ay galit pa din siya sa nagawa ko noon.
Akala ko pa naman ng yakapin niya ako kanina ay pinatawad na niya ako.
But sadly mukhang nadala lang siya ng kalungkutan at nangangailangan ng masasandalan.
Nagkataon namang narito ako..
D... I still love you..
Sana lang darating ang araw na mapapatawad mo na ako..
+++
"D tara kain na tayo.. Gutom na ko eh.." pag-aya ko sa kanya.
Tumango naman siya at nauna ng naglakad.
Pinilit kong bilisan ang hakbang upang makaagapay sa kanya.
"Sa canteen nalang tayo.." sabi niya at ibinukas ang pintuan.
Gumilid pa siya upang makapasok ako.
Pumila kami pero ako lang ang hinayaan niyang mamili ng pagkain.
Panay kwento ko habang kumakain pero pansin ko ang tahimik niya.
Nakakailang pero pinilit ko pa ding pasayahin ang boses.
"D... Parang wala ka naman atang ganang kumain.." puna ko sa kanya.
Hindin naman kasi niya ginagalaw ang inorder ko para sa kanya.
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya at binitiwan ang hawak na tinidor.
"Hindi lang talaga ako gutom.. Pwede ba umuwi na tayo? Gusto ko na talagang magpahinga.." sabi niya.
Lihim akong nasaktan sa inasal niya.
Pero ngumiti ako upang itago iyon..
Alam kong labis siyang nasaktan sa pagkawala ng tatlong babae sa buhay niya.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib..
Nagawa niyang magmahal ng iba samantalang ako..
Im still holding into it.
"Reen, lets go.. Gusto ko na kasi talagang magpahinga.." pukaw niya sa akin.
Ngumiti ako ng matamis sa kanya at tumango.
"Lets go." sagot ko at tumayo na.
Binitbit ko ang dalang shoulder bag.
Sumakay kami sa kotse at umalis na ng ospital.
Walang kibo si D habang nagmamaneho kaya di na rin ako nagsalita.
Baka maingayan siya at pababain ako.
Palihim nalang akong sumusulyap sa kanya.
"Saan kita ihahatid?" pagkuway tanong niya.
"Sa ***** hotel.. Doon kasi kami... I mean.. Ako pinag stay ni Sir Inha." sagot ko.
Muntik na akong madulas at mabanggit si Darrene sa kanya.
Hindi pa sapat ang panahon.
Baka hindi niya tanggapin ang bata.
Masasaktan lang si Darrene.
Wala naman siyang sagot at tuloy lang sa pagmamaneho.
Ilang sandali pa ay tumigil na kami sa harapan ng hotel.
Hindi ko na hinintay pang ipagbukas niya ako..
Kusa na akong bumaba.
"Thank you sa paghatid D.." nakangiti kong sabi nang makababa ako.
BINABASA MO ANG
Behind That Smile
General FictionILYMG Side Story. The Darius and Reen Couple.. How long the love can survive when everybody is against it? Can they succeed and be happy or they just have to bid goodbye.