Uno

84 7 4
                                    

Basketball Court

Nandito ako ngayon ng sa gym kasama ang tatlo kong engot na bestfriends para manuod ng praktis ng mga basketball players ng school since vacant namin. Ang tatlong miyembro ng basketball team ng school ay classmates namin.

Una si Bob Lim na mayaman, at gwapong chinito, na super crush ng kaibigan kong si Jianne kahit pa ito'y babaero. Pangalawa ay si Denver Morales na simple, mabait, at gwapo na kababata at kapit-bahay namin.

and ofcourse the last but not the least, ang ultimate crush kong si Edzsam Angeles na isanaberong gwapo.

"OMG! Ang gwapo-gwapo niya talaga tapos ang galing-galing pag mag three points. EeeeedDDDDzsssaAAAAAAMM Angeles. Be mine pluese?????????" kinikilig na sigaw ng isang estudyante habang nagprapraktis ang Basketball Team ng school na kung tawagin ng karamihan ay TBH na ibig sabihin ay TEAM BLAZING HALE. Bagay na bagay sa kanila ang name ng team nila since lahat sila ay nag-aalab sa kagwapuhan at personalidad pero siyempre the most handsome of them all ay ang E.A ko noh. Ang kokontra, isasalvage ko. (evil laugh)

"I love your dimples, I love your sexy lips, I love your abs, ArrggggHHHhh! I love everything about you EdDdddddzsaaaAAAAmMMMM" di nagpatalong sigaw rin ng babaeng nasa likod namin ng tropa ko.

Napatingin tuloy ako dito at inirapan pero deadma ang babaita dahil nakafocus ang kanyang mga mata kay Edzsam ko. Malanding babae to, gusto ko tuloy dukutin ang mga mata niya para hindi na madantayan ng dirty eyes niya ang E.A ko.

Marami pang nagsisigaw ng kung anu-ano pero deadma lang siya. Mabuti naman noh kasi lagot sakin ang sinumang babaeng sisira sa katuparan ng wish ko. Isasalvage ko talaga kung sinuman siya.(evil laugh ulit)

"Go Denver. Ang cute cute mo!" sigaw pa ng isang estudyante sa kabilang bleacher. 

 Napasimangot na lang ako sa sobrang pagiging showy ng mga kabataan ngayon. Mabuti na lang at hindi si Edzsam ang sinabihan niya ng cute dahil kung hindi'y nakatikim na siya sakin ng deadly stare.

Uminit tuloy ang ulo ko sa isiping baka may makaagaw ng pansin niya at magustuhan nito. Paano na ako pag nangyari yun? nakasimangot kong sabi sa sarili ko.

"Selos ka noh?" sundot sakin sa tagiliran ng isa sa mga engot kong bestfriend na si Yhang na labis kong ikinagulat.

"WaAAaHHHHHH!!!" gulat na gulat kong tili na ikatingin ng maraming tao sa gym kasama na dun ang ilan sa mga miyembro ng TBH dahil nung time na yun ay water break nila.

Namula tuloy ako sa hiya lalong lalo na ng makita kong nakangisi sakin si Edzsam. WaaaahhhHHhh!! What to do? What to react? nababaliw kong tanong sa sarili ko.

"Halla! Nagseselos ka nga talaga Lassy" natatawang panunudyo ring gatong ng isa ko pang bestfriend na si Jianne. Tawanan silang tatlo samantalang ako'y hindi mapakali sa ngisi at nanunudyong tingin ni Edzsam. Halla! Ngayon ko lang siya nakitang tumingin sakin ng ganun kasi palagi lang itong naka poker face. Pinagpawisan tuloy ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. OMG! Baka mahalata niyang crush ko siya. No...no.no.no.Way..no.no.no.no.way. that I'm gonna confess to you. kanta ko sa isip ko. Haha. Baliw lang eh. Mabalik tayo sa mga engot kong kaibigan. Tinignan ko sila at hayun nakangisi sila sakin. Ampupu!

AmininTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon