Tres

70 7 7
                                    

I dedicate this chapter to you enaira15 as a sign of gratitude for appreciating this story..thank you ha? Please, keep on supporting this story. :)

___________________________________

"Good...That's great."

 "Good...That's great."

"Good...That's great."

"Good...That's great."

"Good...That's great."

Paulit-ulit na nagpleplay sa utak ko ang mga sinabi niya sakin pagkatapos kong umamin na siya ang crush ko.

"WaaahhHhhhhhhhhhHH!!!! Kinikilig ako! Is this for real? OMG! If I'm dreaming, please don't wake me now!" tumitili kong sabi habang nagpapagulong-gulong sa aking kama. Everything was still surreal for me until I heard my brother knocking nonstop at the door of my room kaya ko napagtantong hindi nga ako nanaginip. Napatingin na lang ako sa pinto ng marinig ko ang galit niyang boses.

"HoyyyyYYY....Assy!... (kalapag ng pinto) Tumahimik ka nga diyan, hindi ako makapagconcentrate sa pagrereview dahil sa ingay mo. Buksan mo nga 'tong pinto! (kalapag ulit ng pinto ng brute kong kuya). Malalagot ka sakin kapag hindi ako nakapasa bukas!" naiiritang sabi ni kuya sa labas ng pinto.

"Ohmy! Lagot ako neto." bulalas ko. Ang lakas pala ng tili ko dahil umabot pa talaga sa pandinig ni kuya na abala sa pagrereview for the first time sa study room sa baba. Tumayo ako at binuksan ang pinto, nakita ko si kuya Lucky na nakakunot-noong nakatayo doon.

Dahil sa takot ko sa madilim niyang aura ay ngumiti muna ako dito ng matamis bago ko ito kinausap. "Mianhae oppa." pagpapacute kong sabi with matching bow.

Mas lalong napakunot-noo ang kuya ko sa sinabi ko and the next thing that I know, sinapak ako nito ai este piningot nito ang ilong ko.

"Arayyyyy! Ano ba? Nagsosorry na yung tao e!" nagrereklamo kong sabi sabay tabig sa kamay nitong hawak-hawak ang ilong ko. Hinimas ko ang masakit kong ilong na alam kong pulang-pula na ngayon dahil sa pagkakapingot nito.

Napangisi ito sabay konting pisil ng pisngi ko. "Ang cute-cute mo kasi e, may pa korean...korean language ka pang nalalaman with matching bow pa e purong pinoy ka naman. Mukha ka tuloy trying hard sa panggagaya ng mga pinapanood mo." sabi nito ng nakangisi habang nakapamaywang sa harap ko.

ArrrrgGgHhh!!! Kahit kailan talaga panira ng araw 'tong kuya ko. "Puwede ba kuya, umalis ka na sa harap ko dahil sinisira mo ang masayang araw ko!" masungit kong sabi dito sabay busangot sa harap niya.

"Hahahhahahaha..Fpf..hahaha.." nakahawak sa tiyan niyang tawa sa pagbusangot ko.Kabanas talaga 'tong kuya kong 'to. Tinaasan ko siya ng kilay at namaywang rin sa harap niya hanggang sa tumigil ito sa pagtawa ng mapansin siguro niyang konti na lang ay masasagad na niya ang napakaiksi kong pasensya.

"May sunog ba dito sa kwarto mo Assy?" pigil ang tawang tanong nito sakin na labis kong pinagtaka. Ano na naman kayang trip nito? Akala ko naman titigilan na niya ako, napatingin tuloy ako sa loob ng kwarto ko at chineck kung nag-over heat na yung nakacharge kong lappy(laptop).

AmininTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon