*Open Forum*
Maingay ngayon sa room. May kanya-kanyang monkey business. Chismisan dito at chismisan doon habang wala pa ang dragon ai este teacher and at the same time adviser namin.
"Nag-away daw si Angie at Sandra?" pabulong na tanong ni Jianne na nakaupo sa likod ko.
"Oo daw e." matabang na sagot ni Yhang na nakaupo sa left side ko.
Wala sana akong balak sumowsaw sa usapan nila dahil hindi ako interesado at busy ako sa pagsulyap sulyap at pakikiramdam sa katabi ko sa right side na si Edzsam na nakapikit at abala sa pakikinig ng kanta sa cellphone niya pero kinalabit ako ni Yhang kaya napaharap na ako sa kanila at nagkunwaring intersado narin.
"Ano daw ang pinag-awayan nila?" walang ganang tanong ko sa kanila sabay sulyap sandali kay Edzsam.
"Nag-away daw ang magbestfriend dahil sa isang lalake." nandidiring sagot ni Jianne.
"My God! Sisirain nila ang friendship nila because of a boy? It sucks ha!" nang-uuyam namang reaksyon ni Yhang.
"Ang babaw naman nila." maikling reaksyon ko naman.
"Kaya tayo, never tayong mag-aaway dahil lang sa mga letsugas na lalake ha?" mataray na sabi ni Jianne na ikanatango ko na lang.
"Ofcourse! Our friendship is more precious than a relationship that wouldn't last noh!" mataray na sagot ni Yhang.
"Check na check." nakangiti kong sabi na ikanatawa nila.
"Bakit?" naguguluhan kong tanong. Tinotopak na naman ata tong mga 'to e.
"Na-adapt mo na ang check na check tactic e" nag-apirang sabi ng dalawa kaya napangiti narin ako.
"Hoy! Anong hot issue ang pinag-uusapan niyo at tawang-tawa kayo?" biglang sawsaw ni Maan sa usapan namin. Sa harap siya nakaupo samantalang kaming tatlo ay dito sa gitnang parte kaya ngayon lang siya nakasawsaw sa usapan.
"Chismakaru ka talagang babae ka, pumunta ka pa talaga dito para lang makasagap ng chismaks." natatawa at umiiling na sabi ko dito na ikinasimangot niya.
"May hot issue din kasi akong alam noh!" nakasimangot na sabi niya samin.
"Talaga? Ano yun?" interesadong tanong ni Jianne at Yhang sabay hila ng upuan nila palapit samin ni Maan. Mga toh talaga! Kapag chika ay nagiging linta. Amp!
"Si Edzsam at Denver, may crush daw dito sa room." kinikilig na sabi nito.
Ano daw? Si Edzsam ko? may crush dito sa room? Tama ba ang narinig ko? Totoo ba 'to? walang humpay ang pag pop ng tanong sa isip ko sabay sulyap dito na ganun parin ang posisyon.
"Sino daw?" excited na tanong ni Yhang samantalang kami ni Jianne ay nag-iisip.
Magsasalita na sana si Maan pero hindi pa niya nasasambit ang sasabihin ay dumating na si ma'am dragon ai este ma'am Tina. Biglang tumahimik ang lahat at mabilisang nagsibalikan na sa kanya-kanyang upuan ang mga lumipat tulad ni Maan.
"Panira!" naiinis na bulong ni Jianne kaya napangiti ako.
"Good afternoon ma'am!"- napipilitang bati ng buong klase kay ma'am dragon este ma'am Tina pagkapasok nito sa room. Siya ang matandang dalaga na teacher namin sa values education and at the same time adviser namin. Walang buhay ang pagbati ng karamihan samin dahil may naganap na away sa pagitan ng ilan naming mga kaklase at siguradong nakarating na yun kay ma'am kaya lagot kami nito. Parang dragon paman din si ma'am kapag galit.
"Good afternoon class! Please seat down."- seryosong sagot ni ma'am sa amin. Lagot na! Talagang alam ni ma'am ang tungkol sa issue sa room. Ano na naman kayang gagawin o ipapagawa nito samin? Amp!
BINABASA MO ANG
Aminin
Storie breviWala akong balak aminin na crush ko siya pero ng dahil sa leche plan na open forum sa Values Education na subject namin ay napilitan akong umamin hindi lang sakanya kundi sa buong klase at after ng pag-amin ko.... Anong nangyari sakin? ...Kung gusto...