Kwatro

79 8 3
                                    

>sa mga nagbabasa nito..salamat sa iniyo lalong-lalo na kay enaira..masaya ako na naaappreciate mo 'to..Please keep on reading this guys. Pahit na rin ng vote at comment na din kayo, positive or negative ok lang. Mas masaya kasi magsulat kapag may nababasang comments. Sorry sa mga corning jokes. If u think nakakabanas na ung Mga jokes then icomment niu para magawa kong iimprove or tanggalin na lang..hehe.ENJOY:)

__________________________________

*Street Dance Practice*

"Good morning world!" masigla kong sabi sa kawalan habang nakangiting nag-uunat pagkagising ko.

Makalipas ang sampung minuto kong pag-unat unat ay tumunog na ang alarm clock ko sa aking bedside table. kriiiiinnnnnnggggggggggggg...kriiiinnngggggggg...krinnnnnggggg!

Tinignan ko ito at tumawa na parang baliw at agad na pinatay ito, natatawa talaga ako e kasi naunahan ko ng gising for the first time ang kinabwibwisitan kong alarm clock lalo na tuwing school days. Amp!

8:30 a.m ang practice sa school pero nag-alarm ako ng 6:30 a.m para mapaghandaan ko ang araw na'to. Magpapaganda ako ng bonggang bongga para talagang magustuhan din ako ni E.A ko. Hehe

Eksaktong 7:30 ng matapos ako sa pag-aayos kaya bumaba na ako para makakain. Nadatnan ko si kuya Lucky na kumakain sa mesa at kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya ng makita nito ang ayos ko ngayon. Nakashort ako ng medyo maiksi na ngayon ko lang ginawa at pinarisan ko ito ng pink floral blouse at doll shoes. Nginitian ko na lang ito at umupo na dahil ayokong i-entertain ang anumang bad vibes na dala nito.

"Siguro kung painting ka, isa kang painting ng garden ng mga bulaklak." nakangisi nitong sabi na labis kong ikina-conscious dahil baka hindi bagay sakin ang outfit ko ngayon at baka ang sinabi niya ay isa na namang banat para sabihing pangit ako. Baka mas bagay talaga sakin ang simpleng t-shirt, jeans, at rubber shoes na palagi kong suot.

"Bakit?" alanganin kong tanong dito.

"Ang ganda mo kasi ngayon e." nakangising sabi nito na naging dahilan para mapasimangot ako dito. Ano daw? Joke ba yun or what? Ano na naman kayang pang-aasar ang naisip nito. Amp!

"Matutuwa na ba ako kuya o may idadagdag ka pa?" nakataas kilay kong tanong dito na lalo nitong ikinangisi. Tsk!

"Seryoso ako dun Assy...mas gumanda ka ngayon bunso...ahmmmm.. may date ka ba?" nakangiti nitong tanong. Natuwa ako sa sinabi niyang seryoso siyang nagandahan sakin dahil ngayon lang ako nakatanggap ng papuri dito.

"Date ka diyan, huwag mo nga akong itulad sayo kuya. May practice lang kami sa school para sa street dance contest noh!" defensive kong sabi. Totoong practice ang pupuntahan ko pero ang pagpapaganda ko ng bongga ay para kay Edzsam at hindi para sa practice.

"Ah...ganun ba? Akala ko kasi may date kayo ni Edzsam." nanunuksong sabi nito na naging dahilan para magulat ako ng bonggang bongga at mabitawan ang hawak kong tinidor at kutsara. Shocks! Kilala niya si Edzsam? Pero...paano niya nakilala ito e magkaiba namin kami ng school na pinapasukan.

"kilala mo si Edzsam kuya?" gulat at kinakabahan kong tanong na ikinatawa lang nito. Ano bang nakakatawa sa tanong ko, letsugas talaga 'tong kuya ko. Hmp!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AmininTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon