CHAPTER 21: Bothering

243 9 7
                                    

Kriiiiing~~~~~~~Kriiiiiiiiing~~~~~~~Kriiiiiiiiiiiing


BLAG!

" awcch!... " Nahulog ako sa kama ko! huhu.. Bwiset kasing alarm yan ee! ang ingay masyado parang nagising buong kaluluwa ko dun >__<

" HOY! PANGET GUMISING KA NA! " sigaw ng kapatid ko na nasa labas ng kwarto ko.

Buti nalang nilock ko yung pinto nang hindi niya ako pagtripan habang tulog. Alam niyo na? maloko yung kapatid kong yun!

" Oo! eto na nga ee! " tsk! bwiset naman! kaya ayaw ko ng MONDAY eh! I hate monday talaga! ang aga pa ng pasok ko huhu..

" Exam niyo po ngayon diba?! " oo nga pala!! exam namin ngayon!! Hala! anong oras na ba? 

Tinignan ko yung alarm clock ko sa side table.. 6:30

" WAAAAAAAAAAAAAHH!!!! " paano na yan?! 30 minutes nalang! huhu! bwiset talaga! nag-alarm naman ako ah? anyare? hayyss! makaligo na nga! 

Naligo na ako siguro mga wla pang 10 minutes yung ligo ko? baka nga 5 minutes lang ee -__- after nun nagbihis na ako then naglagay ng kung ano-ano sa mukha alam niyo na? girls thingy. basta pagkatapos bumaba na ako at  nadatnan ko sila tita clarisse, gellie at yung kapatid ko na nagbbreakfast na..

" Oh. Good Morning Cym.. akala ko nakaalis ka na? " ha?! paanong nakaalis?

" po? di pa po ee.. kakagising ko lang hehe" napakamot nalang ako sa ulo dahil sa hiya. Yung kapatid ko naman nagpipigil ng tawa tapos si gellie nakangiti lang saakin

" ah.ganun ba.. I thought magkasabay na kayo pumasok ni Hero yun pala hindi " aahh kaya pala wala na dito si hero.Napatingin naman ako sa kapatid ko na nagpipigil parin ng tawa.

Anong problema neto??

" Hoy kumag! anong problema mo? " tanong ko sakanya

" Ha? wala ah.. anyways kamusta ang pagrereview niyo kagabi? " Niyo??? so alam niyang nagreview ako kasama si Hero? lagot! mukhang sa itsura neto may kung ano nanaman tong iniisip.

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay. Bigla niyang tinaas yung dalawa niyang kamay at pinagdikit niya ito na parang nagkikiss sabay wink saakin...  

Waaaaaaahh!!!! nakita niya yun?!!!! OH NO!!! nakakahiya! naalala ko nanaman yung nangyari kagabi! bakit ko ba kasi siya hinalikan sa pisngi? ang gaga ko talaga! >___<

" Ate Cym you're blushing " sabi saakin ni Gellie

Hala?! ako? namumula? hindi naman ah! 

" ha? hindi nuh..sa blush on lang siguro yan " tss! bakit naman ako mamumula? eee!!pero yung issue dito yung ginawa kong pagkiss kay Hero ee!! paano yan? paano ko siya haharapin? malamang awkward yun >_____<

" Hoy panget! 6:20 na po kaya? baka gusto mong malate? " Hala! oo nga pala! bwiset! sa sobrang pag-iisip ko nakalimutan ko ng malalate na ako tsk.

" Oo nga pala! sige bye na.. bye po tita clarisse,bye gellie " nakipagbeso-beso lang ako kayla tita clarisse and gellie then umalis na ako ng bahay 

Paano yan? malalate na ako tapos wala pa akong sasakyan?! .Bwiset kasi ee! paano na yan? 

" Bahala na nga! " sinimulan ko ng maglakad este takbo na nga ee.. tutal malapit lang naman yung school siguro mga 5 minutes para makapaglakad ako papuntang sakayan then magtricycle nalang ako para saktong 7:00 nandun na ako. Tama! ganun nga! 

Nasa labas na ako ng gate at medyo nakailang bahay na ako ng may bigla akong naririnig

" Psst... " 

My Crush is a Great Snobber (ON GOING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon