CHAPTER 11: Weird

317 14 2
                                    

Cym's P.O.V

" Cym!!! " Nilingon ko yung tumawag saaking napakagandang pangalan Hahaha chos... Sino pa nga ba ang tumatawag? 

CINDY ALERT!!!

Tumatakbo siya papunta saakin lakas maka-Marathon Cindy??...Nang makalapit ito hinihingal pa sabay nagsalita

" Pheww... kahingal ahh " sabi ni cindy habang pinapaypay pa yung dalawa niyang kamay sa sarili niya

" Oh? ano ba kasi sasabihin mo at parang madaling-madali ka? " panguusisa ko dito

Huminga muna siya ng malalim para makabwelo dahil hinihingal pa nga.

" Ano kase... tulungan mo naman kami oh? "

" Saan naman kita tutu---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila agad ako ni Cindy

" Uy! ano ba? saan ba kita tutulungan? " pagtatanong ko habang hinihila parin niya ako at mabilis na naglalakad

" Basta Cym malalaman mo rin mamaya" sagot niya

" Pag eto nonsense nanaman Cindy..naku! sasakalin talaga kita " tumawa lang ito at matapos ng paghila niya saakin huminto narin siya

" Okay nandito na tayo "  huminto kami sa harap ng Drama Club??

" Ano nanaman bang kalokohan to Cind's? " nagtataka parin ako kung anong ginagawa namin dito sa club nila at kung anong tulong ang hihingin niya?

" Mamaya ko na sasabihin pasok muna tayo sa loob hinihintay na nila tayo" hinihintay kami???

" Hinihintay ta-- " hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko dahil hinila nanaman niya ako papasok ng Drama Club 

Pagkapasok namin sa loob ng Drama Club  may mga tao nga na nandun pero bilang lang mukhang mga officers lang ata ng Club nila at syempre kasama din si Cindy siya lang naman ang president ng club na ito at wag na kayo magtaka kung bakit siya ang president like dun sa description ko sakanya sa nakaraang chapter? (AN: yung description po ay nasa  CHAPTER 1: This is me )

" Ano ba kasing ginagawa natin dito Cind's? "  bigla namang nagsalita yung isa sa mga officer ng club nila si Drew classmate namin siya kaya kilala ko na.

" Oh Cindy siya na ba ang magiging lead actress natin? " Lead actress??!! Ako??!

" Oo siya nga .. " sagot ni Cindy dito

" Hoy! Cindy ano nanamang kalokohan to? anong sinasabi nilang lead actress? " 

" Cym ikaw kasi yung naisipan kong gawing Lead actress para sa gagawin naming play " Huwaaaaaaaaat?! nasisiraan na ba to si Cindy?

" Bakit ako?!! niwala nga akong kaalam-alam sa pagacting ee " nagpout naman ito at pinagdikit yung dalawa niyang kamay yung pagnagplease ka? ganun.

" Cym please?. Wala na kasi kaming mahanap na ibang aarte ee ikaw lang talaga ang nakikitaan ko ng galing sa pagarte "

" Anong galing sa pagarte?! baka mag-inarte!!! at hindi talaga ako marunong umacting cind's! si Kimchi nalang ayun! paniguradong magaling yun umacting "

" Hindi pwede Cym. nakuha ko na si Kimchi sa pagiging Kontrabida sa play  tapos yung lead actress nalang kulang ee. " napakamot naman ako sa ulo

" Wala na ba talagang iba?? baka kasi di ko kaya maging lead actress sa play niyo at worst baka pumalpak lang yan  " 

" Cym please wala na talaga akong maisipang maging lead actress ng play ee tanging ikaw lang talaga. "

" Ngii?? ako talaga? sus! marami pang iba diyan " ee di talaga ako marunong umacting -_____- di ko pa nga nasusubukang umacting sa tanan ng buhay ko.

My Crush is a Great Snobber (ON GOING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon