1

783 4 0
                                    


"Coreen?..."

Napatingin ako sa tumawag sakin at ganoon na lamang ang gulat ko.

"Rina?"  pinakatitigan ko pa sya at nanlaki ang mga mata ko nang masiguro kong sya nga.

"Coreen!oh my gosh..Coreen!" tumakbo sya papunta saakin at tinalon ako ng yakap, halos mabuwal pa ako dito buti nalang nabalance ko agad ang sarili ko.

Bumitaw sya sakin at ngumiti ng todo at dahil sa ginawa nya ay pinakita noon ang pantay pantay at mapuputing ngipin nya.

"Gosh...I missed you Coreen! imagine two years tayong hindi nagkita tapos dito lang pala kita makikita sa SU!"

"Kakalipat ko lang..First day ko nga eh" sabi ko,totoo naman..Galing akong Canada pero ngayong senior high ay napagdesyunan ko na dito nalang ako mag aral..Namimiss ko na din kasi ang pilipinas

Nung grade eight kasi ako ay lumipad kami ng pamilya ko papuntang Canada dahil nandoon ang trabaho ni papa at mama at hindi nila kami maiwan ni ateng dalawa dahil baka daw hindi namin kaya kaya sumama kami, pero ngayong kaya na namin ay bumalik kaming dalawa makaraan ang dalawang taon.

"Ganon??buti pinayagan ka pang mag-enroll eh kalagitnaan na ng taon ah?" takang sabi nya habang hinihila ako paupo sa isang bench, andito kasi kami sa school at nasa hallway. Hinahanap ko kasi yung magiging room ko at since andito naman na si Rina ay tingin ko ay matutulungan nya ako na hanapin ang magiging room ko since noon pa naman sya dito at kabisado nya ang university

"mataas naman daw kasi grades ko and ninang ko yung principal kaya ayun..." sabi ko at tumango tango naman sya

"Anyway, puwede mo ba akong tulungan na hanapin yung magiging room ko?" Tanong ko sakanya at ngumiti naman sya ng todo

"Sige ba! sino bang magiging adviser mo?"

"Si Mrs..." tinignan ko ang folder na ibingay ng principal sa akin "....Balesteros?"

"Oh?...Sakto!kaklase mo pinsan ko! Wait...DJ!" lumingon sya sa kanyang likuran at nakita ko doon ang sobrang gwapong nilalang...Mayroon palang tao sa likuran namin kanina pa..At hindi lang basta tao, taong gwapo

Mayroon syang mapupungay na tsokolateng mga mata, matangos na ilong, makapal na kilay,mahaba at makapal na pilikmata,manipis at mapupulang labi at tamang hulma ng panga

Nakakunot lang ang kanyang noo at halos magsalubong ang kanyang mga kilay na mas nagpadagdag sa pagiging gwapo.

"Oy DJ diba kay maam Balesteros ka?" tanong sakanya ni Rina at tumaas naman ang isang kilay nya...Sungit 

"oh, edi sabay na kayo ni Coreen dun din kasi sya...Malelate na din kasi ako eh..be nice to her ha?kapag nabalitaan ko na pinagsusungitan mo sya lagot ka" inirapan lang naman sya nung Dj saka kami nilampasan ...How rude.

"Pagpasensyahan mo na yun ah lagi kasi yung nireregla kaya ayan...Mainitin ang ulo,pero mabait yan ..Nangangain din hihi" malanding sabi nya..Seriously?

"Katrina..." may babala ang boses ko at tumahimik namana sya at niyakap ako uli.

"Nice seeing you here!kita nalang tayo mamaya at habulin mo na yung si Dj at baka iwan ka,di ko na sya napakilala sayo kasi wala ng time so...Sige na pasok na ko late na ako!" Saka sya nagmamadaling tumakbo..

Nilingon ko ang lalaki at nakita ko ito na naglalakad sa hallway na parang hari at pagmamayari ang mundo..Anlaki nyang tao at kahit simpleng t-shirt lang ang suot nya ay agaw pansin na sya...Halos lahat ng estudyante na nakakasalubong nya ay pinagtitinginan sya pero parang wala syang pakialam dito.

Tumakbo ako para habulin sya,malayo layo na din kasi ang nalakad nya..

Hindi ako tumabi sakanya at nasa likudan nya lang ako, pakiramdam ko din kasi ay kapag tumabi ako sakanya ay susungitan nya ako, ayaw ko naman na unang araw ko palang ay mapapahiya na ako.

Huminto sya sa tapat ng elevator at pinindot ito,yes may elevator sa SU..Mayayaman kasi ang mga Samiente,ang may ari ng school .

Pumasok kaming dalawa sa elevator nang bumukas ito, at dahil dalawa lang kami doon ay ang awkward ng atmosphere..Kaya sinubukan ko syang kausapin.

"I-im Coreen nga pala...Coreen Buenavista" pagpapakilala ko pero wala man lang akong narinig sakanya,pinindot nya lang ang fifth floor.

"Im from Canada..Dati ako dito pero lumipat kami sa Canada kasi andun yung trabaho ng magulang ko ....Ikaw, dati ka pa dito?" tanong ko pero hindi uli sya sumagot..Bat ang tagal yata namin makarating sa fifth floor?

"B-bat nga pala ikaw pinagtitinginan k-kanina?" tanong ko..Hiyang hiya na ako pero talagang curious lang ako..At salamat naman dahil sumagot sya, taliwas nga lang sa inaasahan ko.

"Because im the king..And everyone obeys me" sagot nya sa malamig na tono na nagbigay kilabot sa aking sistema...At mas lalo pang lumala iyon kasama ang pagdagundong ng aking puso

"And i have my rules..Rules that no one should break and everyone shoud obey...Cous' if they don't,i'll make theyre lives a living hell and make them miserable" humarap sya sakin at tinitigan ako gamit ang kanyang malalamig na mga mata..God, ang gwapo nya at imbis na matakot ako eh kinikilig pa ako dito..God Coreen umayos ka!

"And you broke one of 'em" tinitigan nya ako ng masama kaya napalitan ng takot ang kilig na aking nadarama

"A-ako??H-hindi ko naman alam na...M-may rules ka pala" kinakabahang sabi ko, sa paraan kasi ng pagtitig nya ay parang kayang kaya nya akong saktan dito,now na now .

"Yeah...And you better be careful " tumunog ang elevator pagkasabi nya non saka ako tinalikuran..Napahawak naman ako sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito..

Gosh,ano ba tong pinasok ko?bakit unang araw palang eh may ginagalit nakong gwapo?..Gosh Coreen what did you do!?



His Rules (ON-HOLD) Where stories live. Discover now