5

51 2 2
                                    

"Anong nangyari sayo kahapon?Gurl...Nagalala kami sayo" bungad ni Rina pagpasok ko ng school

"Wala..Emergency lang pero okay na" sagot ko habang inililibot ang aking paningin, tinitignan ko kung nandito na ang hari ng mga antipatiko.

Andito kami ngayon sa soccer field at nanonood ng mga nagpapractice, wala kasi yung unang prof namin at si Rina naman ay mamaya pa ang klase nya.

"Coreen!" lumingon ako sa gawi ni Rina at sakto ay tumama sa ulo ko ang kung anong matigas na bagay

Napahiga ako at nagdilim ang paningin nahihilo din ako at sobrang sakit ng ulo ko.

"Oh my God!"

"Uy 3 points for Wade!"

"Hala kayo!"

"oh my gosh! lalapitan sya ni Wade!"

"Oh God kainggit!"

"Miss okay ka lang?"  nang idilat ko ang mga mata ko ay bumungad sakin ang pinakagwapong lalaking nakilala ko.

"H-huh?"

"Okay ka lang?" tanong nya pa habang sinisipat ako, napatingin naman ako sa mapupulang labi nya.

"Prince charming..Ikaw ba yan?" biglang naibulong ko at lumitaw naman ang mapuputing ngipin nya.

"Huh? haha...Okay..Youre not okay, lemme take you to the clinic"

Nang akma nya akong bubuhatin ay agad bumalik ang katinuan.Agad akong tumayo, pinagpag ang damit at saka natatarantang sinukbit ang bag ko...Gosh Coreen nakakahiya!

"U-uh...H-hindi na...Okay lang ako, thank you" halos magdikit na ang baba at dibdib ko dahil sa todong pagyuko dahil sa kahihiyan

Bat ba kase ang tanga mo Coreen?

Agad akong tumalikod at nagmamadaling maglakad pero agad din naman ako ulit nahilo at natumba, at saglit lang ay naramdaman ko na ang mga bisig na pilit akong binubuhat, ramdam ko ang libo-libong kuryente na dumaloy sa katawan ko oras na nagdikit ang aming mga katawan

"Youre not okay miss...Youre not good at lying"

I sighed at defeat, hinayaan ko syang buhatin ako papuntang clinic dahil nahihilo talaga ako,hindi biro ang foot ball at mukhang magkakatrauma pa ako.

Kumapit na lamang ako sa batok nya at ipinikit ang aking mga mata, nasisilaw ako sa araw at lalo nitong pinapasakit ang ulo ko

Namalayan ko na lamang ang paglapat ng likod ko sa malambot na higaan at ang mga boses ng  mga nurse na nagtatanong kung ano ang nangyari

"Tinamaan po ng bola ng football"

"Ha?malakas ba?"

"Opo"

Habang nakikinig sa paguusap nila ng nars ay hindi ko mapigilang humanga sa kaniya, may aura kasi sya ng pagkabadboy at ang way ng pakikipagusap nya sa nars ay nagpapatunay sa salitang 'looks can be deceiving'

"Okay sige ako na ang bahala dito"

Iyon nalang ang narinig ko bago ako uli mawalan ng malay, paggising ko ay may gauze na ang noo ko at medyo maayos narin ang aking pakiramdam

Pinilit kong umupo dahil naalala ko na may klase pa ako

"Oh, miss okay ka na ba?"sulpot ng isang nurse kung saan, hinawakan ko ang ulo ko nang bigla itong sumakit

"O-okay na po 'ko"saka ko pinilit tumayo kahit medyo nahihili pa ako

"sure ka ha?...Sige 'pag sumakit ulit ulo mo balik ka nalang, at 'wag ka munang masyadong magalaw" tumango nalang ako at lumabas na ng clinic.

Binigyan nya naman ako ng gamot na pampawala daw ng sakit incase na hindi ako makapunta dito

"Are you okay now?" nagulat nalang ako nang biglang may sumulpot sa harap ko pagkabukas ko ng pinto.

"Ay kalabaw!"

"Sa puti kong 'to? paano ako naging kalabaw?"

Hindi ko na lamang sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad dahil naiilang ako sa presensya nya.

"Huy miss!..Sandali lang! Hindi ka pa gaanong magaling baka matumba ka buti sana kung sakin ka mafa-fall willing akong saluhin ka pero kapag sa sahig ka nafall masasaktan ka lang,tigas kaya nyan"  palatak nya habang nakasunod sakin, binilisan ko naman ang paghakbang dahil hindi ko talaga makaya na kasama ko sya, naalala ko parin yung nakakahiyang nangyari sakin kanina.

"Uy miss! ano nga palang name mo?..Saka 'wag ka ngang magmadali baka madulas ka at mahulog sa puso ko" Tumigil ako sa paglalakad, nakung matatawag nga ba na paglalakad, at humarap sa kaniya.

"Puwede ba tantanan mo ako diyan sa mga kacornyhan mo? and please? leave me alone!"  saka ako tumalikod at tumakbo, pero dahil sumasakit pa ang ulo ko ay nauwi uli ako sa mabagal na paglalakad.

"Ang sunget naman neto...Nagtatanong lang naman ako ah?" rinig kong reklamo nya saka tumabi sakin pero hindi na uli nagsalita, hindi ko na lamang sya pinansin dahil lalo lamang sumasakit ang ulo ko sakanya, nagpatuloy nalang ako sa pagbaybay ng pasilyo ngunit malayo pa lamang ay may babae nang tumatakbo papalapit samin

"Wade!?" at sumugod ito sa lalaking katabi ko at niyakap na para bang isang taon silang hindi nagkita

"Oh my God,Wade! thank God youre okay!...Are you hurt?nasaktan ka ba?okay ka na ba? you know i'm so worried about you!"  saka nito pinasadahan ng tingin ang buong katawan ng lalaki..O.A lang teh?

"I-im fine Love...besides hindi naman ako yung tinamaan eh, ako yung nakatama" Paliwanag nung Wade pero parang walang narinig yung babae, saka ko lamang sya namukhaan, sya yung antipatikang babae na namantsahan ang uniporme

Napairap nalang ako sa loob ko at nagpatuloy sa paglalakad, nakairita kasi yung itsura nila at isa pa mukha akong third wheel dito kaya mas mabuti pang umalis nalang.

"Hey,miss! Wait!"  at naramdaman ko nalang ang paghawak nya sa balikat ko at ang pagharap nya sakin..

"Im Wade by the way..." Saka nya inabot ang kanyang malaking kamay, Ilang segundo ko pa muna itong tinignan, iniisip kung tatanggapin ko ba o hindi dahil nanunuod ang girlfriend nya,

"Coreen" Sabi ko sabay talikod, iniiwan ang nakaabang nyang kamay sa ere, rinig ko naman ang pagsipol nya.

"Coreen" ramdam ko ang pagtambol ng puso ko nang sandaling banggitin nya ang pangalan ko, para bang pagdating sakanya ay ang sarap pakinggan ng pangalan ko.

And it is true..We all love something that is forbidden, something we can't have


VVVVVVVVVVVVVVVVVVVVVVVVVVV

VS: Heyyya guyss!..Sorry for the previous boring chapter and for the veeeerryyyy sloooooowwww update..I'll try to make this story more interesting but i dont promise, 'cause promises are meant to be broken
•  ~
^

His Rules (ON-HOLD) Where stories live. Discover now